• Home
  • Fresh Scoops
  • Ria Atayde on Maine Mendoza: ‘I like her, she’s very real’

Ria Atayde on Maine Mendoza: ‘I like her, she’s very real’

Ria Atayde naiyak sa pagdepensa sa kapatid na si Arjo at nagsalita na tungkol kay Maine Mendoza, Dominic Roque, at Ford Valencia.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/22/2019 10:41 AM
Ria Atayde on Maine Mendoza: ‘I like her, she’s very real’


Photo credit: @mainedcm on IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Ria Atayde ang mga issues tungkol sa tatlong taong may kinalaman sa buhay niya.

Una, inamin niya na may kinalaman si Maine Mendoza kung bakit masaya ngayon ang kapatid niyang si Arjo Atayde. 

READ: Ria Atayde on brother Arjo Atayde: ‘He’s happy’

Pero giit pa rin niya katulad ng dati, “They’re still getting to know each other and they’re friends.” Nakilala na rin ni Ria si Maine at ayon sa kanya, “I like her, she’s very real.” 

Rebelasyon pa ni Ria tungkol sa kanila ng kapatid niyang si Arjo, “We don’t really talk about our love lives, unless it’s about to go to the next level or it’s about to end… When I tell Arjo things, that’s when it becomes real to me already.”

Sa puntong ito, naging emosyonal na si Ria. Anya, “I love my brother so much kasi.” Hindi na rin napigilang tumulo ang luha ni Ria nang mag-react siya sa mga nagsasabing naging successful o sikat lang si Arjo dahil kay Maine. Depensa ni Ria sa kapatid, “That’s so unfair, he’s worked so hard to get to where he is. And to discredit his work, wow ha… not fair at all.” 

Pangalawang tao na tinanong kay Ria ay si Dominic Roque. Kailan lang ay maraming nagsasabi na bagay sila dahil sa magkatabi sila sa isang group picture kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero ayon kay Ria, malabong magkaroon sila ng kahit ano ni Dominic. “Wala talaga. Dom and I have known each other since ako ten years old pa lang nun, siya 12 years old yata,” kuwento ni Ria. Dahil daw close ang tita ni Dominic na si Beth Tamayo at ang mom ni Ria na si Sylvia Sanchez ay parang silang pinalaki na magkapatid. 

Tungkol naman kay BoybandPH member na si Ford Valencia, inamin ni Ria na niligawan siya ng binata noon at nag-hang out diumano sila pero naging busy na sila pareho. Pagtatapos ni Ria, “It’s just two people getting to know each other and it didn’t work out…”