• Home
  • Fresh Scoops
  • Rey Valera, may sukli sa mga ‘di mapalad na TNT contestants

Rey Valera, may sukli sa mga ‘di mapalad na TNT contestants

Hindi itinanggi ng punong hurado na naapektuhan siya minsan sa kanyang mga desisyon sa 'Tawag ng Tanghalan.'

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/22/2019 2:49 PM
Rey Valera, may sukli sa mga ‘di mapalad na TNT contestants


Aminado ang Tawag ng Tanghalan punong hurado na si Rey Valera na hindi madali para sa kanya na mag-gong ang isang contestant sa show.

Kuwento ng veteran singer-composer sa patuloy na pag-init ng singing contest, dumarating ang pagkakataon na naapektuhan siya tuwing mayroong hindi nakakapasok sa susunod na round.

“Magastos din paminsan pag may na-Gong ako,” umpisang kwento ni Rey sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa successful show niya naTanderslane sa Cebu City.

Aniya, pinipilit niyang tulungan sa kanyang paraan ang mga kandidatong nais abutin ang kanilang mga pangarap sa pagkanta.

“Paminsan, hinahabol ko ‘yun sa labas, kung ano ang laman ng pitaka ko ibinibigay ko ‘yun. Kung hindi, hindi ko siya inaabutan talagang pupunta ako ng mall para lang bumili ako ng kahit ano at nang mawala sa isip ko ‘yung naku-konsensya ako eh, pero  trabaho to kaso tao lang ako,” sabi pa ni Rey.

“You can not help yourself but to emphatize kung ano ang sasapitin ng taong ‘to matapos ko siyang i-gong,” paliwanag pa niya.

Pagdating naman sa mga semi-finalist na hindi pinapalad na maiuwi ang golden mikropono, malaki din ang panghihinayang ng punong hurado para sa mga ito.

“Siyempre minsan sayang, lalo na pag palagi kong napapanood, nakikilala mo sila, nalalaman mo na ang buhay nila at nagkakaroon ka na nang attachment, na parang ‘pag hindi sila nanalo, medyo masama din ang loob mo at pagnanalo naman, you feel so happy for them,” pahayag pa ni Rey.