• Home
  • Fresh Scoops
  • Marie Songalia, may sama pa rin ng loob sa biological mother

Marie Songalia, may sama pa rin ng loob sa biological mother

Marie Songalia, ipinaliwanag kung bakit hindi niya nayakap ang biological mom niya na matagal na niyang hinahanap.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/22/2019 10:47 AM
Marie Songalia, may sama pa rin ng loob sa biological mother


Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, inamin ni special Star Dreamer at professional licensed teacher Marie Songalia na hindi madali na ibukas kaagad ang loob niya sa kanyang biological mom na inasam niyang makilala buong buhay niya, at kailan lang niya nakilala nang dumalaw ito sa loob ng bahay ni Kuya.

Pinaampon kasi siya ni Eunice Vergara 23 years ago at pinalaki lang si Marie ng mga foster parents niya sa Leyte.

READ Marie’s story here: After 23 years, Special Star Dreamer Marie Songalia reunites with long-lost mother

Ani Marie tungkol sa naging pagkikita nila ng ina niya, “Sinabi niya na ikaw ang pinakamalaking sikreto ng buhay ko, na ngayon lang nabunyag. Kung hindi pala nangyari ‘to, naging habang buhay na sikreto na lang ako…” Ayon pa sa ulat natameme daw si Marie nang makita ang biological mother at mas naisip niya ang foster parents niya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi kaagad nayakap ni Marie ang ina niya. 

Sa hiwalay na interview naman ng TV Patrol kay Eunice, sinabi nito na may attempt naman siyang hanapin ang anak. “Nagtatanong ako, nagbibilin ako, nagbibigay ako ng phone number. Ina-add ko po siya sa Facebook or messenger hindi naman po siya ang lumalabas.” 

Ayon naman kay Marie, bukas pa rin siya na makilala ang ina, lalo na’t nalaman niyang may mga kapatid siya. “Bukas naman po ako, sa scale of 1-10, mga 7.5 Dahil nalaman ko po na may mga kapatid ako. Na-excite konti, kasi hindi po ako naka-experience na may kapatid ako,” ani Marie. 

Dagdag pa niya, “Lahat ng mga kapatid ko lalaki daw, tapos meron akong kapatid na magka-birthday kami.” 

Sagot naman ng ina ni Marie dito, “Salamat naman at in-appreciate niya ang mga kapatid siya. Sana tuloy-tuloy na yung maging damdamin mo para sa amin, anak.”