• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza defends siblings Arjo and Ria Atayde from a basher

Maine Mendoza defends siblings Arjo and Ria Atayde from a basher

Direktang sinagot ni Maine Mendoza ang isang netizen na inakusahang "user" ang magkapatid na Ria at Arjo Atayde.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/22/2019 1:59 PM
Maine Mendoza defends siblings Arjo and Ria Atayde from a basher


Photo credit: @mainedcm, @arjoatayde and @ria on Instagram

Naging direkta sa pagsagot sa Twitter si Maine Mendoza sa isang basher na inakusahang "user" o manggagamit ang magkapatid na Kapamilya stars na sina Arjo at Ria Atayde. Ayon sa paratang ng isang netizen, "[Ria Atayde], GINAMIT MO NA NAMAN NAME NI [Maine Mendoza] TINDI NG PAGIGING USER NYO MAGKAPATID NOH? UMINGAY NA NAME NYO NAGKA PROJECT PA KAYO DAHIL SA PANGGAGAMIT NYO SA NAME NI Maine... MGA USER TSK..TSK.. [sic]" 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

lionhearted

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

Sa nasabing tweet din ay nag-reply si Maine at pinagsabihan ang netizen na respetuhin ang magkapatid. "I would appreciate if you'll show some respect not just to our family but to theirs as well. Just stop this nonsense and let us all do better instead. They get projects because of their talent, not because of any other reasons. Once and for all let's give credit to whom its due," ani Maine.

"I know everyone’s trying to prove a point here but whatever your reasons are, it is never right to hate on people - whoever they may be. Hate is such a strong feeling & I hope we don’t let it get the best of us. Masyado yang mabigat sa puso, ‘wag sana tayo magpalamon. Good night," dagdag na pahayag pa ni Maine. 

Maalalang nagsimula magkaroon ng isyu nang mapag-usapan na nasa "dating" status di umano raw sina Maine at Arjo. At naging mas mainit ang isyu nang ipagtanggol naman ni Ria ang kapatid sa mga bashers na tutol sa ideya ng pagiging magkasintahan ng dalawa.

READ: Ria Atayde posts cryptic tweet amidst rumors of her brother Arjo Atayde dating Maine Mendoza

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo tungkol ang tunay na relasyon ng dalawa. 

 

 

 

READ: Arjo Atayde still mum on rumored relationship with Maine Mendoza

Sa nakalipas na guesting ni Ria sa Tonight With Boy Abunda, inamin nito na may kinalaman si Maine sa pagiging masaya ngayon ni Arjo. 

READ: Ria Atayde on Maine Mendoza: ‘I like her, she’s very real’