Bagong karakter ni Joseph Marco ang aabangan ngayon tuwing hapon/
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang bagong role na kanyang gagampanan bilang isa sa mga bastardo ni Don Roman sa Los Bastardos.
Kasunod ito ng patuloy na pag-init tuwing hapon ng sinusubaybayan na Kapamilya telerserye na extended na sa book two.
Extra special para sa aktor ang kanyang pagbabalik telebisyon na huling napanuod noon sa Wildflower kaya naman isa sa naging paghahanda ni Joseph ang kanyang new look.
Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan opisyal na ipapakilala Joseph bilang isa sa mga bastardos sa Los Bastardos.