Maymay Entrata, mas conscious na nga ba sa kanyang looks?

Maraming taga-hanga ng teen star na si Maymay Entrata ang nagsasabing pang modelo talaga ang kanyang porma at looks.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/21/2019 3:46 PM
Maymay Entrata, mas conscious na nga ba sa kanyang looks?


Photo credit: @maymay on IG (R)

Matapos ang naging exposure ng Kapamilya Star na si Maymay Entrata sa 2018 Arab Fashion Week, tila mas lalong napalapit ang Kapamilya Star sa pag abot sa kanyang pangarap na maging isang professional fashion model.

Sa kanyang Instagram posts, naging practice na din para kay Maymay ang mga nakakatuwang social media post.

Kuwento ni Maymay, kahit na nagbukas ng bagong oportunidad ang kanyang pagrampa sa Arab Fashion Week, hindi naman daw siya naging vain sa kanyang looks.

“Hindi man ser! Wala ako pakialam! Para sa akin kung sino po ako  kung saan nila ako nakilala doon lang talaga ako,” masayang kuwento ni Maymay.

Hindi man kumpirmado, nanatiling bukas si Maymay sa mga bagong oportunidad sa muling pagrampa sa isang fashion show.

“Pero kung may mga blessing po ulit tulad nito, tatanggapin ko po at ibibigay ko ang best ko,” pahayag ni Maymay.

Sa ngayon, looking forward si Maymay at Edward sa ikinakasang proyekto para sa kanila ngayong 2019, kabilang ang new album at teleserye.