• Home
  • Fresh Scoops
  • Fans ni Angel Locsin, handa na sa simula ng ‘The General’s Daughter’

Fans ni Angel Locsin, handa na sa simula ng ‘The General’s Daughter’

Nine months in the making ang inaabangang TV comeback ni Angel Locsin na 'The General's Daughter.'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/21/2019 8:28 AM
Fans ni Angel Locsin, handa na sa simula ng ‘The General’s Daughter’


Matapos ang ilang buwan ng paghihintay masisilayan na telerseryeng The General’s Daughter sa pangunguna ni Angel Locsin.

 

Siyam na buwan nang lumabas sa iba’t ibang media formats ang mga detalye ng bagong Kapamilya program na labis na inaabangan ng fans ang nagbabalik telerserye na si Angel, na huling naging lead actress sa teleseryeng The Legal Wife.

Dito, makakasama ni Angel ang mga bigating aktor na sina Maricel Soriano, Janice De Belen, Eula Valdez, Tirso Cruz III at Albert Martinez.

Binansagan din ang The General’s Daughter bilang pinakamalaking telerserye sa pagbubukas ng 2019.

Hindi na din makapaghintay ang netizens na looking forward na din sa ere ng pinakabagong telerserye ng ABS-CBN.

 

 

 

 

Mapapanuod ang pilot episode ng The General’s Daughter ngayong gabi, January 21, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.