Angel Locsin: ‘Never naman akong nagtago ng relasyon’

Angel Locsin, sinabi kung bakit open siya sa public tungkol sa kanyang love life.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/21/2019 8:57 AM
Angel Locsin: ‘Never naman akong nagtago ng relasyon’


Photo credit: @therealangellocsin on IG (R)

Sa Rated K, sinabi ni Angel Locsin kung bakit kailanman daw ay hindi niya itinago ang love life niya sa publiko.

“Never naman akong nagtago ng relasyon kasi anong point malalaman at malalaman din ng mga taong so makikita kang nagla-lie, so walang point talaga,” paliwanag ng aktres.  

Isa pang rason, ayon kay Angel, ay yung masarap daw ma-in-love at dapat itong ipagmalaki.

“Ang sarap kayang ma-in-love, yung sabihin mong in-love ka, ipagmalaki mo sa mundo yung taong mahal mo. I think deserve ng taong yun na irespeto, i-acknowledge siya sa public ‘di ba?” sabi pa niya.  

READ: Angel Locsin’s sweet birthday message for boyfriend Neil Arce
  
Samantala, hindi pa naman daw nila napag-uusapan ng kanyang boyfriend na si Neil Arce ang pagpapakasal. Pagbibiro pa ni Angel sa Rated K host na si Korina Sanchez tungkol dito, “Wala pa naman, liligawan ko pa po, babalitaan ko po kayo pag um-oo sa akin.”

Inamin din ng The General’s Daughter star  na gusto niyang magka-anak balang araw.

“Dati gusto ko po ng kambal. Nung nakita ko na po yung mga kaibigan ko kung paano mag-alaga, isa na lang po okay na po ako sa isa,” masayang kwento niya.

Ganunpaman, magiging masaya daw siya kung ilan man ang anak na ibigay sa kanya ni Lord.  “Kung ano pong ibigay sa akin ng Diyos, basta healthy yung bata,” sabi ni Angel.

WATCH Push Evolution: Angel Locsin