Katrina Velarde, sasabak na sa kanyang first major concert

Labis ang pasasalamat ngayon ni Katrina Velarde sa kanyang mentor na si Gary Valenciano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/20/2019 10:12 AM
Katrina Velarde, sasabak na sa kanyang first major concert


Todo paghahanda na ngayon sa kanyang first major concert na SiKAT Ako ang singer na si Katrina Velarde.

Nakilala si Katrina Velarde bilang si “Suklay Diva” nang sumali siya noon sa X-Factor Philippines.

Kuwento ni Kat, malaki ang naging impluwensya sa kanya ng X-Factor lalung-lalo na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

“Bukod po sa pagiging mentor po namin ng AKA Jam from X-Factor days, bukod po sa mentor namin, hindi lang po pagkanta ang itinuro niya sa amin, pati po ang pagkakaroon ng faith kay God, na ‘yun po ang importante dahil hindi lahat ng song e pwede mong i-alay sa mga taong mahal mo lang,” kuwento ng singer sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Aniya, ang walang sawang gabay ni Gary V ang isa sa mga bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat.

“Nabuksan po niya [Gary Valenciano] ang passion ko sa pagkanta, dahil po sa kanya dahil naipapaliwanag po niya ang mga bagay-bagay sa pagkanta,” aniya.

At dahil first major concert, hindi itinatanggi ng singer-performer na magkahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon.

“Masaya po ako na mayroon pong mga tao na nagtitiwala sa ginagawa ko at ninenerbyos po ako pag nga po nasa Music Hall ako kinakabahan ako Kia (Theater) pa kaya? Pero ganun pa man, iniisip ko nalang ang lahat ng taong naniniwala sa akin, para po ito sa kanila,” pahayag pa niya.

Sa darating na Pebrero 2, mapapanuod ang SiKAT Ako Concert ni Katrina Velarde sa Kia Theatre, Araneta Center, Cubao.