• Home
  • Fresh Scoops
  • Anthony at Roselle Taberna, ‘di maipaliwanag ang kasiyahan sa muling pagpapakasal

Anthony at Roselle Taberna, ‘di maipaliwanag ang kasiyahan sa muling pagpapakasal

Matapos ang muling pagpapakasal, tutok muli si Ka Tunying sa kanyang trabaho at negosyo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/20/2019 10:09 AM
Anthony at Roselle Taberna, ‘di maipaliwanag ang kasiyahan sa muling pagpapakasal


Photo credit: @iamtunying28 on Instagram

Kasabay ng kanyang ika-44 taong kaarawan, binuksan ng Kapamilya host na si Anthony Taberna ang pang-walong branch my kanyang Ka Tunying Bakeshop sa SM City North Edsa.

Fresh at extra special para kay Ka Tunying ang birthday matapos ang kanyang naging muling pagpapakasal sa kanyang misis na si Roselle Taberna.

Kuwento ni Ka Tunying hindi niya maipalawanag ang saya sa lahat ng biyaya na kanyang natatanggap ngayon.

 

 

“Oo sabi ko nga nakakataba ng puso dahil nagsimula lamang kami bilang isang bakery sa probinsya tapos ito na kami, pang-walong branch na namin,” ani Ka Tunying.

Aniya, isa sa kanyang paraan ng pagtulong ang kanyang lumalagong negosyo.

“Paraan na din natin ito para makatulong, dumarami ang ating trabaho at nakakapagbigay tayo ng pagkaing masarap para sa ating kababayan,” kuwento pa ni Ka Tunying.

Tulad ni Ka Tunying hindi din maipaliwanag na kasiyahan ngayon ang nadarama ng kanyang misis na si Roselle Taberna.

 

 

“Sobrang saya po, mula doon sa aming re-affirmation of our wedding vows hanggang dito sa opening namin ngayon talagang napakasaya po,” pahayag pa ni Roselle.

Sa ngayon, tutok muli si Ka Tunying at ang misis niya sa pagpapalago ng kanilang Ka Tunying Bakeshop.