• Home
  • Fresh Scoops
  • Psychic na si Stargazer, pinag-iingat si Coco Martin ngayong 2019

Psychic na si Stargazer, pinag-iingat si Coco Martin ngayong 2019

Psychic na si Stargazer, sinabing magkakaroon ng health problem si Coco Martin ngayong 2019

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/2/2019 1:50 PM
Psychic na si Stargazer, pinag-iingat si Coco Martin ngayong 2019


Ang psychic na si Stargazer ay nagbigay ng mga predictions na may kinalaman sa showbiz sa kanyang guesting sa Magandang Buhay noong January 1. 

Pinag-iingat niya si Coco Martin dahil maaring may mangyari daw dito na may kinalaman sa kanyang kalusugan. Ayon kay Stargazer, “yung pagod-pagod, hindi dahil bata sasagarin, yung health niya ang magkakaron ng konting challenge.” 

May isang comedian din daw ang magkakaron ng problema sa kanyang love life, pero ayon kay Stargazer, “maayos naman kung magkakaroon ng bukas na komunikasyon dun sa mag-asawa.”  

Meron ding isang “young female personality” ang mabubuntis. “Hindi talaga ito aasahan, pero every pregnancy naman dapat pagdating ng bata, happy di ba,” sabi ni Stargazer. 

On the positive side, meron ding singer at young actor ang magkakamit ng isang mataas na karangalan o award. Ani Stargazer, “may singer din tayo na magkakaron ng malaking-malaking award. Ikakatuwa natin din. Tapos young actor na magkakaroon ng award, internationally.” 

Meron din daw isang  male actor ang magbabalik showbiz at merong mga babaeng artista na “biglang lilipat.” “Yang pagbabalik na yan, mag-uurong-sulong siya. Pero baka partially pumasok. Lalaki. (Tapos) marami naman kasi na mga artistang babae na nasa ibang lugar na biglang lilipat,” dagdag pa ni Stargazer.