Prequel ng ‘Rainbow’s Sunset’, posible nga ba?

Matapos humakot ng parangal, kuwento ni Ramon at Fredo may plano nga bang gawan ng isa pa?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/2/2019 4:16 PM
Prequel ng ‘Rainbow’s Sunset’, posible nga ba?


Photo credits to the owners

Kasunod ng naging tagumpay ng isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Rainbow’s Sunset, pinag-aaralan umano ngayon ng produksyon nito ang pagkakaroon ng part two ng pelikula.

Sa Facebook post ng isa mga scriptwriter ng movie na si Eric Ramos, isa ngayon sa tinitignan nilang posibilidad ang pag-explore sa mga karakter nila Ramon, Fredo at Sylvia, na ginampanan nina Tony Mabesa, Eddie Garcia at Gloria Romero.

image3.jpeg

Matatandaan na humakot ng parangal ang pelikula -- Best Production Design, Best Original Theme Song, Best Screenplay, Special awards, Best Supporting Actor at Actress, Best Director, Best Actress at Best Picture.

READ: Rainbow’s Sunset, humakot ng awards sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal

Tumanggap man ng parangal, pantay na dami naman ng sinehan ang naging sigaw ng direktor nito na si Joel Lamangan sa kanyang naging acceptance speech noong MMFF awards night.

“Huwag natin ipagkait sa mga manunood ang karapatan na makapanood ng pelikula, huwag lang natin isipin ang komersyo,” sabi ni Direk Joel. 

“Ang pelikula ay isang sining at ang sining ay kaluluwa ng tao, kaluluwa ng bayan. Huwag lamang natin patabain ang bulsa ng may-ari ng mga sinehan patabain natin ang kaluluwa ng bayan ng mga Pilipino,” pahayag pa niya. 

READ: Mga direktor ng MMFF, sigaw ang pantay na karapatan sa mga sinehan

Tatagal hanggang unang linggo ng Enero 2019 ang mga pelikulang kalahok sa film festival.