• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata at Edward Barber, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Fantastica’

Maymay Entrata at Edward Barber, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Fantastica’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/2/2019 1:07 PM
Maymay Entrata at Edward Barber, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Fantastica’


Photos credit: @maymay and @teamvicep IG

Patuloy sa paghataw sa takilya ang Fantastica na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa naganap na Gabi ng Parangal ng MMFF, labis na pasasalamat ang ipinaabot ng dalawa sa mga bida ng pelikula na sina Maymay Entrata at Edward Barber sa tagumpay ng kanilang pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Last night with the #Fantastica cast sa GGV! 🎪 Sinong mga nakisaya kagabi? 😄 #GGVFantasticLove

A post shared by Team Vice (@teamviceph) on

“Excited din kami for everyone, gusto namin magpasalamat sa each viewer na napanood ang Fantastica. Excited kami na makita ang results,” sabi pa ni Edward.

Si Maymay naman, pinasalamatan din ang kanilang direktor na si Barry Gonzalez sa naging gabay nito sa kanila.

“Aside sa supporters namin pinapasalamatan namin si Direk Barry sa haba ng pasensya nya sa amin. Baguhan kami sa ganitong comedy, sobrang katawa-tawa,” kuwento pa ni Maymay.

Dagdag pa ni Maymay, malaking sikreto din ang maganda nilang samahan sa set habang nag shoot ng Fantastica kaya’t magaan at magandang lumabas ang eksena.

“Dahil doon mas naging maganda ang resulta dahil sa samahan na mayroon kami, sa buong samahan. Kaya thank you sa lahat ng sumuporta. Number one daw ang Fantastica! Woohhhh!” pahayag pa ni Maymay.

Sa ngayon, wala pang official box office figures na inilalabas ang MMFF Executive Committee.