Lola ni Maymay Entrata, boto kay Edward Barber

Maymay Entrata’s Lola gave Edward Barber her blessing to be more than just a friend to Maymay.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/2/2019 12:14 PM
Lola ni Maymay Entrata, boto kay Edward Barber


Sa Tonight with Boy Abunda, muling nagpakilig ang tambalang Edward Barber at Maymay Entrata nang aminin nila na boto ang Lola ni Maymay kay Edward kung sakaling magiging boyfriend niya ito.

Kuwento ni Maymay, dumating sa punto ng buhay niya noon na nasuway niya ang Lola niya dahil sa love. “High School pa lang sinasabi niya sa akin, kapag may crush ka or may manliligaw sabihin mo ha, ako ang maghuhusga. Sinusunod ko hanggang sa punto na yung first love ko, nasuway ko yung Lola ko….”

Dahil daw sa pangyayaring yun, na-realize ni Maymay na, “kapag hindi mo pala sinunod yung payo ng parents mo, dadating sa punto na ikaw talaga makaka-realize na sana nakinig na lang ako.”

Pero nang makita daw ng Lola ni Maymay ang closeness ni Maymay at Edward ay, ayon kay Maymay, “si Dodong talaga lumapit sa Lola ko...”

Sinabi daw ni Edward sa Lola ni Maymay na, “I care a lot about Maymay, and she started crying, teary-eyes.”

Payo ng lola ni Maymay sa kanilang dalawa, “wag kayong magmadali, kung sakali daw aabot kami sa punto (na magiging kami na) yung blessing daw nila ni Papa Jo ibibigay niya daw yun…” Si Papa Jo ang Lolo ni Maymay na ka-close niya at pumanaw na.

Isang emotional moment daw ito hindi lang para sa Lola ni Maymay, kundi para sa MayWard na rin. Kuwento ni Maymay, “First time po yun (magsabi ng ganun ang lola ko), iyak kami nang iyak nun…”

Sa ngayon, sinasabi ni Maymay at Edward na “soulmates” pa lang sila at hindi pa boyfriend-girlfriend.

READ: Edward Barber joins Maymay Entrata’s family in Japan getaway