• Home
  • Fresh Scoops
  • Karen Gallman, todo paghahanda na sa 47th edition ng Miss Intercontinental pageant

Karen Gallman, todo paghahanda na sa 47th edition ng Miss Intercontinental pageant

Ito ang unang beses na idaraos sa Pilipinas ang Miss Intercontinental pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/2/2019 4:23 PM
Karen Gallman, todo paghahanda na sa 47th edition ng Miss Intercontinental pageant


Puspusan na ngayon ang paghahanda ni 2018 Binibining Pilipinas Intercontinental na si Karen Gallman sa kanyang nalalapit na laban sa darating na January 26.

Susubukin ni Karen na sungkitin ang unang korona sa Miss Intercontinental beauty pageant na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Isa sa kanyang unang naging pasabog ang kanyang introductory video, kung saan ipinagmalaki niya ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

Ilan sa mga Pinay beauty queens na lumaban sa pageant na ito ay sina Kris Janson, Christi McGarry, Jennifer Hammond at Katatina Rodriguez, na itinanghal na First Runner-up noong 2017.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KAREN GALLMAN (@karen_gallman) on

Sa huling panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Gallman, sinabi niyang tinutukan niya ang paghahanda para manalo bilang ng Miss Intercontinental. 

“I’ve been doing my walk, perfecting my swimwear walk, my long gown walk and also my Q and A,” aniya.

Ayaw naman niya isipin na di siya mananalo dahil sa issue na magiging hometown decision daw ito.

“Ginawa ko na lahat, ang lahat ng kailangan, to prepare for this pageant, and I feel confident and prepared naman and at the same time gusto ko lang i-enjoy ito,” pahayag niya.

Mapapanood sa ABS-CBN ang 47th Miss Intercontinental pageant.