Angelica Panganiban, gusto nang mag-asawa ngayong 2019

Ang tanong na lang ng fans sa kanya ay, kanino magpapakasal si Angelica Panganiban?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/2/2019 9:31 AM
Angelica Panganiban, gusto nang mag-asawa ngayong 2019


Mukhang may aabangan ang mga fans ni Angelica Panganiban sa kanya ngayong taong 2019. Sa tweet ng Playhouse actress sa unang araw ng taon, sinabi ni Angelica, "Gusto ko mag-asawa this year. Parang ice cream lang hiningi ko eh noh?"

 

Matapos ang ilang minuto ay pabirong nagpost muli si Angelica ng, "Nilagnat ako sa last tweet ko. Promise. Napainom ako ng bioflu." 

 

Maraming mga followers ng aktres, ang nagbigay ng suporta para ituloy nito ang kanyang balak, habang ang ilan pa ay nag-reply ng mga photos ni Carlo Aquino, ang kanyang ex at kamakailan na nakatambal sa pelikulang Exes Baggage pati na rin sa teleseryeng Playhouse.

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Semi-date ba to? Nawala sa isip kong tanungin ka.

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

Hindi pa kumpirmado sa ngayon ang opisyal na estado ng relasyon nina Angelica at Carlo, pero di nawawalan ng pag-asa ang CarGel fans na nagkakamabutihan na muli ang dalawa. Kamakailan lang na-ispatan ang dalawa na magkasamang nag-celebrate ng Christmas.