Acting career ni Ricci Rivero, tuluy-tuloy na ba?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/2/2019 1:13 PM
Acting career ni Ricci Rivero, tuluy-tuloy na ba?


Matapos ang kanyang unang exposure sa showbiz bilang isa sa mga bida ng horror movie na OTLUM sa 2018 Metro Manila Film Festival, hindi pa din matapos sa pasasalamat ang basketball heartthrob na si Ricci Rivero sa mga positibong komento sa unang sabak niya sa pag-artista.

“Sobrang thankful ako sa mga nanood not just me but the whole cast and the whole production even Direk Joven Tan. Sana napasaya namin kayo. We’re here naman to entertain you guys as much as kaya namin,” sabi pa ni Ricci.

At ngayong napasok na niya ang mundo ng showbiz, sunod na tanong ng fans ay kung ididi-recho na ba niya pag-aartista mula sa pagiging basktebolista.

“After this, I think sobrang liit na lang ng chance na magkaroon. Kasi pa-start na ulit next year ang UAAP at kailangan ko mag-prepare and that’s my number one priority talaga, which is basketball,” sabi pa niya.

Pero ayon kay Ricci, wish niya na mayroon ng follow-up ang project niya matapos ang OTLUM pero kailangan na talaga niya magbigay panahon sa muling pagbubukas ng UAAP.

“As of now hindi ko pa sigurado talaga. Pero I think dapat meron early next year. Maka-start na ako,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanuod sa sinehan ang OTLUM na bahagi ng 2018 Metro Manila Film Festival.