• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, Louise Delos Reyes maagang magpapakilig ngayong Valentine’s Day

Xian Lim, Louise Delos Reyes maagang magpapakilig ngayong Valentine’s Day

Extra special ang Valentines ngayon sa line-up ng mga pelikula

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/19/2019 3:09 PM
Xian Lim, Louise Delos Reyes maagang magpapakilig ngayong Valentine’s Day


Photo credit to the owner

Bagong tambalan sa pelikula ang aabangan kina Xian Lim at Louise Delos Reyes na magsasama sa pelikulang Hanggang Kailan ng VIVA films.

Dito, magkahalong lungkot at kilig ang mapapanuod na kanilang handog sa kanilang manunuod sa Pebrero 6.

“Yes, this is it. Very excited na maipapakita na namin, maipapalabas na namin ang pelikula,” ani Xian.

“Dito talaga we really want sa lahat ng manunuod, lumabas ng iba ang nararamdaman nila, kumbaga hanggang kailangan ba ako magmahahal, parang hanggang kailan nga ba natin ‘to gagawin sa isa’t isa,” patuloy ni Xian.

Kuwento naman ni Louise, relate ang bawat manunuod sa kanilang pelikula.

“Maybe after watching this movie, once in their life mayroong isang eksaktong eksena doon na naramdaman nila ito na nangyari ito sa akin,” sabi pa ni Louise.

Kung banggaan naman sa takilya ang pag uusapan, hindi na din ito big deal para kay Xian at Louise.

“May kanya-kanyang strength and may mga bagay na ipapakita ang mga artista sa bawat movie, kaya sana suportahan nating lahat ang pelikulang Pilipino,” tugon ng aktres.

Si Xian naman idinaan sa biro ang kanyang saloobin. “The Hollywood and this movie, medyo konti lang naman,” pabirong pahayag niya.

“No, this movie will really provide a different taste and different feel para sa mga manunuod,” pahayag pa ng aktor.

Sa darating na February 6, mapapanuod ang Hanggang Kailan sa direksyon ni Bona Fajardo