• Home
  • Fresh Scoops
  • Seth Fedelin, hindi nagseselos dahil sa gusto ni Karina si Aljon

Seth Fedelin, hindi nagseselos dahil sa gusto ni Karina si Aljon

Ex-PBB Otso teen housemate Seth Fedelin, hiwalay na sa girlfriend at inaming may gusto kay Karina Bautista.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/19/2019 11:03 AM
Seth Fedelin, hindi nagseselos dahil sa gusto ni Karina si Aljon


Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni ex-Pinoy Big Brother Otso teen housemate Seth Fedelin ang mga hot issues tungkol sa kanya.

Una, inamin niya na ang pinakagustong niyang teen housemate ay si Karina Bautista dahil sa ito daw ang “babaeng nagsasabi sa akin ng nararamdaman niya po,” at si Karina din diumano ang, “huling nakausap na pinayuhan ko po.”

Inamin ni Seth na humingi ng advice sa kanya si Karina dahil sa nahuhulog ang loob nito kay Aljon Mendoza, habang may boyfriend itong naghihintay sa labas. Pinayuhan daw niya si Karina na maghintay muna hanggang sa makalabas ito bago mag-desisyon at maging kaibigan pa rin si Aljon kung sakaling piliin niya ang boyfriend niya. Sinabi din niya kay Karina na, “respetuhin (mo ang current relationship mo) kasi iba yung nagmamahal sayo kesa mamahalin mo pa.”

Ayon pa kay Seth, hindi rin daw siya nagseselos dahil sa may gusto si Karina kay Aljon.

READ: Seth Fedelin at Aljon Mendoza, kapwa gusto maka love-team si Karina Bautista

Pangalawang issue kay Seth ay ang diumano pag-deny daw niya sa girlfriend niya. Ayon kay Seth, “Yung pagdeny ko po, hindi sa ayaw ko siyang ipakita sa maraming tao… (sinabi ko yun) kasi pinuprotektahan ko po siya…” Nagkausap na rin daw sila at nagdesisyon na maging magkaibigan na lang sila. Sinabi din ng kanyang ex-girlfriend na ngayon na, “Ituloy mo yang pangarap mo, andito pa rin ako sayo, magkaibigan tayo…”

Pangatlong issue na sinagot ni Seth ay yung diumano kayabangan daw niya. Marami kasing nayabangan sa kanya ng sabihin niya na “pagkatapos nito may babagsakan ako…” Pero ayon kay Seth mali lang ang bitaw niya ng salita dahil ang ibig niyang sabihin ay, “Kapag nagsikap ako, siguro may babagsakan ako…” Na ang ibig daw sabihin nito maging artista man siya o hindi ay may kapupuntahan siya basta magsikap siya.

Inamin ni Seth na bukod sa pag-aartista, pangarap din niya ang maging isang seaman.