• Home
  • Fresh Scoops
  • Paano nga ba naapektuhan si Janine Gutierrez ng past relationship niya with Elmo Magalona?

Paano nga ba naapektuhan si Janine Gutierrez ng past relationship niya with Elmo Magalona?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/19/2019 1:29 PM
Paano nga ba naapektuhan si Janine Gutierrez ng past relationship niya with Elmo Magalona?


Photo credit: @elmomagalona IG

Hindi pa rin matatawag na “official” ang kung anumang relasyong namamagitan ngayon kina Janine Gutierrez, bida ng Regal Entertainment film na Elise, at Rayver Cruz.

Kahit medyo cliché, ayon kay Janine, still “no label” pa rin sila ni Rayver hanggang ngayon. Pero iginiit niyang espesyal talaga sa puso niya ang binata.

“Para sa akin, mas importante yung kung paano kayo kaysa sa anumang label. May mga official nga na boyfriend-girlfriend pero may naririnig tayong hindi maganda at di sila masaya,” rason ng bida ng Elise.

May impact pa ba sa kanya ang nangyari sa past relationship niya with Elmo Magalona kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang makipagrelasyon kay Rayver?

“Dati noong una, I guess, parang pinipigilan ko lang ang sarili ko na maging seryoso uli because of the past. Pero ngayon, wala namang reason para mag-hold back,” nakangiti niyang pahayag.

“Ako, medyo pag naiisip ko, masakit siya na nakakatawa. Minsan kasi, ako kasi, yung first love ko kasi hindi siya masyadong seryoso. Yung iba, akala nila yon na yung one great love nila.

“Yung sa akin, sobrang crush na crush na crush ko lang pala siya, pero sobrang na-heartbreak ako. May mga panahon nga na...  sabi ko, ano na ang mangyayari? OMG, guguho ba ang mundo ko, pero hindi naman,” pag-amin pa niya.

Pero ipinagpapasalalamat pa rin daw niya ang mga naranasan dahil nakatulong ito para mag-mature siya bilang tao.

Ipinagmalaki naman ni Janine na kasundo ng kanyang parents at mga kapatid na lalaki si Rayver.

“Yung kapatid kong lalaki parang nagkaroon na siya ng kuya kay Rayver. Pati kay dad ang tawag niya Kuya Mon (Ramon Christopher) at Ate Lot (Lotlot de Leon) naman kay mom. 

“Parang nag-uusap lang sila ng magbarkada. It’s not being disrespectful pero ganoon talaga ang nakasanayan nila,” sambit pa niya.

Samantala, si Enchong Dee ang leading man ni Janine sa Elise na mula sa direksyon ni Joel Ferrer. Ipapalabas na ang pelikula sa February 6