• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss International beauties sa sapatero ni Catriona Gray nagpagawa ng sapatos

Miss International beauties sa sapatero ni Catriona Gray nagpagawa ng sapatos

Sapatero ni Catriona Gray na si Jojo Bragais, lalo pang dumadami ang international opportunities.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/19/2019 12:19 PM
Miss International beauties sa sapatero ni Catriona Gray nagpagawa ng sapatos


Photo credit: @bragaisjojo IG

Sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, lucky shoes diumano ang suot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa naturang pageant. Gawa ito ng Bicolanong sapatero na si Jojo Bragais.

Jojo Bragais shoes din ang suot ni Miss Belarus Karolina Granat nang ipanalo niya ang Best in Evening Gown sa 47th Miss Intercontinental pageant. Ayon sa kanya, “Big heels so nice for the stage you know and this is so much comfortable.” Ito rin ang suot ni Miss Vietnam, Miss Monaco, at iba pa sa naturang kompetisyon.

Kinuwento rin ni Jojo ang paglapit sa kanya ni Stella Araneta, Chairperson ng Binibinang Pilipinas Charities Inc. Ani Jojo, “They’re saying na parang, ‘I like your shoes but I want this color for the girls.’ Then sabi niya sa akin, ‘How do you like the idea of being our official shoe provider for the next year…’”

Bukod dito, marami ring nagbukas na opprotunities kay Bragais sa Hollywood at sa international music scene.

READ: Tyra Banks purchases shoes made by Catriona Gray’s collaborator

Gagawa din daw ng sapatos si Jojo na nakapangalan kay Catriona. Ayon sa kanya, “Gusto ko meron ding Bragais sa Pilipinas na everyone could be really proud of na talagang gawang Pinoy.”