• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, inaming maraming pumipigil sa relasyon nila ni Kim Chiu noon

Xian Lim, inaming maraming pumipigil sa relasyon nila ni Kim Chiu noon

Ipinaglaban daw ni Xian Lim ang relasyon nila ni Kim Chiu.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/18/2019 10:37 AM
Xian Lim, inaming maraming pumipigil sa relasyon nila ni Kim Chiu noon


Photo credit: @xianlimm on IG

Hindi itinanggi ni Xian Lim na maraming hindi pabor noon sa relasyon nila ng ka-love team at ngayo'y girlfriend na si Kim Chiu. Sa episode ng Magandang Buhay noong January 16, ikinuwento ni Xian ang mga naririnig niyang pagtutol noong nagsisimulang magkamabutihan sila ng Kim.

"Nung nagsisimula pa lang kami ni Kim Chiu, ang daming tao sa paligid (namin) na sinasabing, 'Wag mong ipu-pursue (si Kim) dahil hindi ka magugustuhan niyan, at ayaw ka namin para sa kanya.' Maraming (gano'n), but susundin mo na lang talaga yung puso mo.

"Hindi lang sa love life, mapa-career man yan o anong pagsubok sa buhay, sundin mo lang ang puso mo," kwento ni Xian.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Artista vibes. Kailangan ng ring light sa picture kaso walang kukuha..ako nalang😅😅😅

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

 

READ: Xian Lim comforts an emotional Kim Chiu: 'It’s ok, you did your best'

Inamin din ng Hanggang Kailan actor na minsang siyang nakatanggap ng masasakit na salita mula sa mga kumukwestiyon ng relasyon nila ni Kim. "Sa lahat ng sumusunod sa love story namin ni Kim, (may mga nagsasabi) 'Eh, yang si Xian ano ginagamit lang yung pangalan (ni Kim), ginagamit lang yan para magkaroon ng role,' something like that.

"And yet here we are years later and we're still together. We've overcome so many obstacles already. Sabi ko nga, kung kasalanan ang magmahal, then makasalanan akong tao," dagdag ni Xian, habang kinikilig ang mga momshie hosts.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Loving you, is such an easy thing to do...❤️ @chinitaprincess

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

 

Unang naisapubliko ang opisyal nilang relasyon bilang magkasintahan nang mag-guest si Kim sa special episode ng Tonight With Boy Abunda, noong November 2018. Naging matipid man sa detalye si Kim, masayang inamin ng aktres na matagal nang sila.

READ: Kim Chiu admits relationship with Xian Lim

Naghahanda ngayon para sa bagong pelikula Hanggang Kailan si Xian kasama si Louise Delos Reyes. Ipapalabas sa mga sinehan ang nasabing pelikula simula February 6.