WATCH: Liza Soberano proves she’s a ‘sinigang expert’

Liza Soberano gamely tries different kinds of sinigang in reference to a meme made about her.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/18/2019 8:59 AM
WATCH: Liza Soberano proves she’s a ‘sinigang expert’


Screenshot from Black Sheep YouTube channel

Naging tampulan ng tukso si Liza Soberano noong nakaraang taon nang depensahan niya ang kanyang sarili laban sa mga bashers na kumwestiyon kung bakit siya ang napiling bida sa teleseryeng Bagani kung saan ibinase ito ng bahagya sa Philippine mythology.

“And who says we’re not Pinoy? My father is full Filipino. I was raised by two Filipinos since the age of 4. I love sinigang [and] I think that’s as Pinoy as Pinoy can get,” ani Liza dati.

Matapos ang kanyang kontrobersyal na statement ay nagsilabasan ang memes tungkol sa sinigang. Hindi naman napikon si Liza at game na game pa itong sumabak sa isang challenge kasama si Enrique Gil ngayon.

“Hi I’m Liza and I love sinigang,” aniya.

Nakapiring ang mga mata ni Liza at pinatikim siya ni Enrique ng limang klase ng sinigang at apat dito ay nahulaan niya.

“Now you guys know how much Liza loves sinigang!” ani Enrique.

Bibida sa pelikulang Alone/Together sina Liza at Enrique.