• Home
  • Fresh Scoops
  • RS Francisco, nagbigay saloobin sa pagbabago sa Miss Universe

RS Francisco, nagbigay saloobin sa pagbabago sa Miss Universe

Isa ang actor-businessman na si RS Francisco sa mga nagpahayag ng kanyang pananabik sa mga maaring magbago sa Miss Universe Philippines.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/18/2019 10:32 AM
RS Francisco, nagbigay saloobin sa pagbabago sa Miss Universe


Photo credit: @rsfrancisco888 on IG

Matipid man sa pagbibigay ng detalye, punong-puno naman ng pananabik ang aktor na si RS Francisco para sa nalalapit na homecoming ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News, sinabi ni RS na isa siya sa proud na proud sa ginawa ni Catriona Gray para sa Pilipinas.

 

“Ang ganda ng image ng Philippines all over the world now, 'di ba we raised our flags and not just Philippines but everyone else’s flag. I think she taught everyone not just the Filipinos, but everyone's patriotism, to love your country, raise your flag, and be proud of where you come from and where you born,” ani RS sa panayam sa kanya.

Aniya, bilang isang Pilipino masaya siya na muling nasungkit ng Pilipinas ang korona sa prestihiyosong beauty pageant.

“Alam mo that's why I’m very happy with Catriona kasi parang she made everybody united in the Philippines talaga," sabi pa niya.

Kilalang malapit sa pamunuan ng Miss Universe Organization si RS dahil sa kanyang pagtulong sa mga charity work ng Miss Universe sa Pilipinas. Kaya naman, hindi naiwasan na maitanong ang kanyang saloobin sa bali-balitang lipatan ng Miss Universe franchise sa Pilipinas.

READ: Chavit Singson bagong franchise holder ng Miss Universe Philippines?

READ: Stella Marquez-Araneta, nagsalita na sa isyu ng paglipat ng franchise ng Miss Universe Philippines

“Exciting times, 'yun talaga ang sinasabi ko. Maraming mangyayari ngayon, sobrang exciting na mangyayari especially now that we are headed by the (Miss Universe) queen Catriona Gray. So maraming doors ang ino-open ni Cartriona, ang ganda ng ginagawa niya," matipid na pahayag pa ni RS.

Sa huling linggo ng Pebrero inaasahan ang pagbabalik Pilipinas ni Catriona Gray para sa kanyang homecoming parade.