Maja Salvador reacts as Lily Cruz to bashers

Maja Salvador, nag-react sa mga nagsasabing hindi siya dapat maging judge sa WOD

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/18/2019 11:49 AM
Maja Salvador reacts as Lily Cruz to bashers


Sa Tonight with Boy Abunda, nag-react si World of Dance (WOD) Philippines judge Maja Salvador sa katauhan ng kanyang iconic na character na si Lily Cruz sa mga bashers na nagku-kwesiyon kung bakit siya napiling judge sa WOD.

Ani Maja bilang Lily, “wag ako! Nakaupo na si Maja bilang judge, wala na kayong pakialam yun na yun!”

Pero bigla namang naging gentle ang boses ni Maja at sinabing, “Pero bilang Maja naiintindihan ko po hindi mo naman mape-please ang lahat…” 

Maging siya daw ay nag-react nang matanggap niya ang imbitasyon, “Ako judge? Bakit? Ako din naman po kinuwestiyon ko. Feeling ko bakit ako? Ang daming mas magagaling dyan… si Teacher Georcelle… Ang daming mas legit na  mas magagaling sumayaw, ang daming mas may experience…”

Pero kinausap daw siya ng mga taong nagtitiwala sa kakayanan niya, “pag balik ko po, kinausap ako ni Teacher Georcelle, in-encourage din niya ako na parang pinaliwanag niya kung bakit isa ako sa mga napili.”

Dagdag pa niya, “Kinausap din ako ni Ms. Joyce (Liquicia), saying na sayang naman yung trinabaho natin sa ASAP for 15 years kung tatanggihan mong mag-judge.”

Matapos daw noon, ayon kay Maja ay, “Bumalik ako dun sa kinakausap ako ni Ma’am Charo  (Santos) na bubuksan niya yung pinto para maging artista ako. Tapos sabi ko parang gusto ko rin maging isa sa mga rason sa pagtupad ng pangarap ng mga tao.”  

LOOK: Maja Salvador sizzles in orange bikini