• Home
  • Fresh Scoops
  • JoshLia, may pasilip sa mga dapat abangan sa pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman”

JoshLia, may pasilip sa mga dapat abangan sa pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman”

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/18/2019 2:13 PM
JoshLia, may pasilip sa mga dapat abangan sa pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman”


Photo credit: @StarCreativesTV on TW

Agosto ng 2018 nang magsimula ang kuwento ng teleseryeng “Ngayon at Kailanman."

Dalawang tao mula sa magkaibang mundo na nagtagpo at minahal ang isa’t isa.

At gaya ng isang kuwentong kinakapitan ng manonood gabi-gabi, puno ng pasabog ang kuwento nila Ino at Eva na ginampanan nina Joshua Garcia at Julia Baretto.

At ngayong magtatapos na ang kuwento, marami ang excited kung ano ang mangyayari sa mga karakter.

 

Sa naging tweet na ito ni Julia, sumaludo siya sa huling eksena nila ng katambal na si Joshua para sa serye.

 

 

Sa huling mga eksena, nasa tabing dagat ang JoshLia para sa isa sa mahahalagang tagpo na dapat abangan.

Hindi na rin makapaghintay ang fans sa kung ano ang kahihinatnan ng mga karakter nina Eva at Ino.

 

 

 

Sa huli, hiling pa rin ng karamihan ng JoshLia fans na maging happy ending ang  kanilang love story.