• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto, masayang nag-perform sa harap ng 2 presidente

Angeline Quinto, masayang nag-perform sa harap ng 2 presidente

Angeline Quinto is grateful for another blessing she received.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/18/2019 11:41 AM
Angeline Quinto, masayang nag-perform sa harap ng 2 presidente


Photo credit: @loveangelinequinto on IG

Masayang ibinalita ni Angeline Quinto na nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-perform sa harap ng pangulo ng Sri Lanka na si Maithripala Sirisena at pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. 

Nasa Pilipinas ang Sri Lankan president para sa kanyang state visit at isa si Angeline sa mga nakapag-perform sa Malacañan palace.

“It was truly an honor performing for our President and the President of Sri Lanka. Ito po ay isa na namang magandang pagkakataon to share our Filipino talents para po sa ating mga bisita mula sa ibang bansa. #ThankyouLordforeverything,” ani Angeline sa Instagram.