Pokwang shares how baby Malia changed her life

Aminado rin si Pokwang na isang challenge ang 22-year age gap ng kanyang dalawang anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/17/2019 2:28 PM
Pokwang shares how baby Malia changed her life


Naging superhero-themed ang episode ng Magandang Buhay ngayong araw, January 17, dahil sa celebration ng first birthday ng anak ni Pokwang at Lee ‘O Brian na si Malia. Ikinuwento ni Pokwang at ng kanyang asawang si Lee kung paano naging inspirasyon sa kanila si Malia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The incredible Team PokLee with #SuperBabyMALIA 💛💛💛

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

"For 22 years yung buhay namin (ni Lee ‘O Brian), masaya naman. (Pero) ngayong may bagong baby bahay, mas lalong sumaya. Parang napakagaan lahat sa bahay, hindi ka na madaling mairita, lahat tawang tawa lang sa kanya, lahat nag-uunahang kargahin siya. Iba yung happiness na dala niya," sabi ni Pokwang.

Para sa actress-comedienne, isa rin itong inspirasyon para sa lahat ng ka-edad niyang ina na gustong magkaroon ng baby. "And hindi lang siguro sa amin, especially doon sa mga moms na kaedad ko na nangangarap magkaanak pa, (o) wala pang baby... Yung iba nagkakaroon ng pag-asa pag nakikita nila si Malia," dagdag ni Pokwang.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HELLLLLLOOOOOO........❤️❤️❤️

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

WATCH Push Now Na Exclusive: 'Papang' Lee O'Brian, enjoy sa pagiging first-time dad kay Baby Malia

LOOK: Pokwang and Lee O Brian’s baby Malia gets baptized

Sinundan ni Baby Malia ang anak ni Pokwang na si Rie Mae Subong mula sa dati nitong partner. Sa 22-year age gap ng dalawang anak, inamin ng aktres na naging challenge ito sa kanya. 

"Sabi ko, ‘D’yos ko, marunong pa ba ako mag-alaga?' Kasi nga 22 years na (ang nakalipas). Pero ‘pag nanay ka talaga, nandon ang instinct, e noh?”

"Siya (Lee) sabi ko, 'You should practice na how to put diaper.' Meron kaming manika sa bahay pinagpa-praktisan niya," kwento ni Pokwang sa mga momshie-hosts. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 1st birthday #SuperBabyMALIA! Super cute mo! Thank you for celebrating with us @itspokwang27 and @leeobrian 💛

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

LOOK: Pokwang’s baby Malia meets her American grandmother