Maymay Entrata, nagkuwento sa naging bakasyon sa Japan

Walang sinayang na sandali si Maymay Entrata kapiling ang kanyang mahal na ina.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/17/2019 10:37 AM
Maymay Entrata, nagkuwento sa naging bakasyon sa Japan


Photo credit: @maymay on IG

Extra special ang bagong taon para kay Maymay Entrata matapos niyang makapagbigay ng oras sa kanyang pamilya na nasa Japan.

Matatandaan na ginugol ng Kapamilya star ang kanyang bakasyon sa ibang bansa kasama ang kanyang ina na isang Overseas Filipino Worker (OFW) na naninirahan sa Japan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kaytagal na di ko naramdaman ang ganito kasaya simula ng dumating kayo.. Pero kaytagal nadin na di ko naramdan ang ganitong sakit nung umalis na kayo.. Pero sa pagsasamahan na nabuo at mga payo nyo sakin ay laging kong dala dala sa puso ko. Sobrang napamahal ako agad sa inyo 😭 mura kog namatyan ug iring paghawa ninyo hantod karon gahilak japon ko isprikitik jud kayu bai! 😭 At saludo ako sainyo lalo na’t alam ko na ang mga kwento ng buhay nyo at ang hirap na pinagdaanan nyo at sobrang pinapasalamatan ko din na lagi kayo andyan kay midetsede na perti ka gwapa pero ayaw lang pahilaka kay mawala haha basta kita rata puhon mga ate.. Mahal ko kayo mga palaban kong ate. Aguy nitulo nasad ako luha! Makalagot najud ba😭 tama na.. basta pag amping ramu permi..🙂

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

 

“OFW kasi ang mama ko, may half-Brother din po ako doon kaya first time na kumpleto kami,” aniya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa naganap na 113th anniversary ng Navotas City kung saan kabilang siya sa mga bisita.

Kuwento ni Maymay, walang kasing saya na makasama niya ang ina at kapatid na unang beses niyang nagawa.

“Sobrang saya, sobrang blessed ko. Masasabi ko talaga na masaya ako na napagdesisyunan ko at ginawan ko ng paraan na makauwi ako sa Japan. Kasi noong 2018,  lahat ng mga blessings na natanggap ko, ‘yung work ko as an artist minsan masarap sa feeling na pagbabalik ka sa pamilya mo kaya parang refreshed ka na babalik ka sa pamilya mo,” sabi pa ni Maymay.

Kahit sa maikling panahon na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay, sinigurado din daw na sulit ang bawat sandali kasama ang kanyang Ina.

“Hindi naman po nabitin, siguro ngayon mas naintindihan ko na ang sitwasyon ang sakripisyo ng mama ko para sa amin na mapalayo siya sa pamilya ko para lang matustusan kami. Kaya ngayon na ako na ‘yung nagta-trabaho at ako na ‘yung magta-trabaho at tumutulong na din ako sa mama ko, parang pare-pareho lang na ganun, masakit pero kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mo,” pahayag pa ni Maymay.

Sa ngayon, looking forward si Maymay sa mga paparating na proyekto na ikinakasa para sa kanilang dalawa ni Edward Barber.