• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado, nagpasalamat kay Sunshine Dizon sa pagbigay sa kanya ng bracelet ng ina

Iza Calzado, nagpasalamat kay Sunshine Dizon sa pagbigay sa kanya ng bracelet ng ina

Iza Calzado, kinuwento kung paano napunta ang bracelet ng ina kay Sunshine Dizon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/17/2019 11:12 AM
Iza Calzado, nagpasalamat kay Sunshine Dizon sa pagbigay sa kanya ng bracelet ng ina


Photo credit: @m_sunshinedizon on IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento ni Iza Calzado-Wintle kung paano napunta kay Sunshine Dizon ang bracelet na galing sa ina niya at diumano iniwan nito para kay Iza. Ibinigay ito ni Sunshine sa after party ng kasal ni Iza at asawa nitong si Ben Wintle. 

WATCH: A tearful Iza Calzado in her official wedding video with Ben Wintle

Ayon kay Iza, kinapos sila sa pera bago namatay ang Mom niya at kinailangan itong isanla. “Before my Mom died, sinanla niya yung a few pieces of her jewelry because we needed money.”

Pagpapatuloy niya, “So hanggang sa namatay siya, wala naman kaming pangtubos. By the time na nag-artista ako, wala pa rin akong enough na pangtubos mareremata na.”

Nagkataon daw na noong mareremata na ay kakapasok lang ni Iza sa show ni Sunshine. “Hindi ko pa talaga kaya. Kakapasok ko lang sa show ni Sunshine…naging maganda yung friendship namin. She even stayed with me for some time like super close namin.”

Dahil daw dito ay kinausap niya si Sunshine. “Sabi ko na wala akong pangtubos, sabi ko imbes na mapunta to sa ibang tao, baka gusto mong bilhin na lang off me.”

Binili daw ni Sunshine ang isang singsing at bracelet, pero ayon kay Iza, “as the years went by, nakalimutan ko yan…”

Hanggang sa noong araw na ng kasal niya at ibinibigay na sa kanya ni Sunshine ang bracelet from her Mom. Ani Iza, “Everybody was crying. It was a perfect time for her to give it back to me… not that I wanted her to give it back to me…”

Pinasalamatan din ni Iza si Sunshine na isa sa matatalik niyang kaibigan. “Shine, thank you. I’m so grateful that it’s now back sa akin and I owe you one. Ibabalik ko tenfold…”

Pagtatapos ni King of Talk Boy Abunda sa magandang istorya ni Iza, “it’s a family story, it’s a story of friendship.”