Luis Manzano, hataw sa ratings ang mga bagong show

Luis Manzano grateful sa pag-hataw sa ratings ng ‘Minute To Win It’ at ‘World of Dance’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/16/2019 10:55 AM
Luis Manzano, hataw sa ratings ang mga bagong show


Sa ulat ng TV Patrol, masaya at grateful si Luis Manzano dahil mataas ang ratings ng game show na Minute to Win It: Last Man Standing kung saan siya ang host. Anya, “We’re very thankful sa nakikita nating trend, sa mga tao, sa ratings. We barely hit our second week but for our last two days, yung ating Thursday and Friday nag-all time high na kami.”

Trending din ang show noong unang linggo nito dahil sa pagkapanalo ni Zeus Collins ng one million pesos. 

Kuwento ni Luis tungkol sa pagkapanalo ni Zeus, “Nagulat nga ang lahat nung challenge na yun… Kasi yung boot camp, rehearsal room where they can do the games beforehand, hindi magawa ni Zeus yun. Hirap si Zeus sa challenge na yun, nara-rattle siya, so nagulat kami lahat.”

Ayon pa sa ulat, dinadala rin ang show sa iba’t ibang barangay kung saan kumukuha sila ng studio players.

Nag-trending din nationwide at worldwide ang first weekend ng World of Dance, isa pang Kapamilya show kung saan host si Luis. Ani Luis, “We’re showing another facet of the Pinoy talent, na yung mga Pinoy dancers natin kayang kaya natin ilaban sa buong mundo.” 

WATCH Push Evolution: Luis Manzano