• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia is enamored with a third party and Julia Barretto is okay with it, sort of

Joshua Garcia is enamored with a third party and Julia Barretto is okay with it, sort of

Julia Barretto on Joshua Garcia: ‘He was having an affair with somebody and it’s the computer.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/16/2019 10:43 AM
Joshua Garcia is enamored with a third party and Julia Barretto is okay with it, sort of


Sa Tonight with Boy Abunda, naging honest ang tambalang JoshLia o Joshua Garcia at Julia Barretto sa mga personal issues nila sa isa’t isa. Issue daw kay Joshua ang hindi pag-iingat ni Julia sa sinusuot nito.

Ayon kay Joshua, “Minsan wala siyang cycling (shorts.) Minsan di siya nag-aano, nipple tape lang yung nilalagay niya…”

Napatawa naman ang host na si King of Talk Boy Abunda, pati na rin si Joshua sa depensa ng aktres. “Hindi talaga kumportable magsuot ng bra. Ako naman din naman, walang kakapitan yung bra… nagta-try naman yung bra ko e pero wala talaga siyang makapitan.”

Ayon pa kay Julia, “Naintindihan naman siguro niya yun dahil two years na din kami and two years na din akong explain ng explain.”

Pagdating naman sa pagsusuot ng cycling shorts, ang sagot ni Julia ay, “yung cycling din naman talaga hindi siya kumportable din. Natutunan ko lang mag-cycling dahil sa kanya, Tito Boy.” 

Naglambing naman ang aktor at sinabi kay Julia na “baby bra” na lang ang isuot nito. Pero ayon kay Julia kahit baby bra ay hindi kumakapit sa kanya. 

Ang issue naman ni Julia kay Joshua ay ang fixation nito sa paglalaro ng computer games. Nakakalimutan daw siya ni Joshua tuwing naglalaro ito. “Nakakalimutan niya ako. Kailangan tumawag muna ako sa PA niya, sa bahay para lang sabihin sa kanya na nagte-text na ako, tumatawag.”

Ayon pa kay Julia, “Magre-reply yan after two hours, three... Pero minsan iniisip ko na okay nang nagko-computer ‘tong lalaking to kesa lumalabas…” 

Nakuwento din ni Julia na habang nasa States siya during the Christmas vacation kasama ang kanyang pamilya, kampante siya kasi alam niya kung ano ang ginagawa ni Joshua. “Suwerte ako kasi hindi talaga ako nag-worry ng whole trip… (kasi) he was having an affair with somebody and it’s the computer. It’s his computer.” 

LOOK: Julia and Claudia Barretto's LA holiday

Dito rin nag-viral ang Instagram stories ni Julia kung saan tinawag niyang “gamer boyfie” si Joshua. 

READ: Julia Barretto calls Joshua Garcia her “boyfie”

Nung nagkaron na ako, ito na yung ginawa kong hobby.” 

Tanong pa ni Joshua kay Julia, “Ano ba gusto mo, pumarty ako o mag-computer?” na sinagot ni Julia ng, “Mag-computer na lang…”