• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman at Kean Cipriano, parehas naging emosyonal matapos magpalitan ng mensahe

JM De Guzman at Kean Cipriano, parehas naging emosyonal matapos magpalitan ng mensahe

Naging emosyonal sina Kean Cipriano at JM De Guzman nang magbigayan ng mensahe para sa isa't-isa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/16/2019 3:51 PM
JM De Guzman at Kean Cipriano, parehas naging emosyonal matapos magpalitan ng mensahe


Photo credit: @kean on IG

Hindi inaasahan ng mga momshie-hosts ang biglaang pagiging emosyonal ng magkaibigang sina JM De Guzman at Kean Cipriano sa episode ng Magandang Buhay, January 16.  Ayon kay Kean, proud siya para kay JM dahil patuloy pa rin itong nananatili sa showbiz sa kabila ng mga pinagdaanang personal na isyu.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pakners. ✌🏻 @1migueldeguzman

A post shared by Kean Cipriano (@kean) on

 

READ: JM de Guzman finishes rehab program

"Sobra akong natutuwa, tuwing nakikita ko si JM na may project at tumutugtog siya. Parang very rare na sa industry ng (showbiz) na magkaroon ng ilang chances," pahayag ni Kean na maaaring tumutukoy sa panahon kung saan dalawang beses pumasok si JM sa rehabilitation programs.

Pinaalalahanan din ng Callalily vocalist si JM na 'wag ng sayangin ang pagkakataong mayroon siya ngayon. "Meron siguro siyang purpose sa industry na ito. Nakaka-inspire rin na makita mo rin na ganyan. Dapat hindi mo na sayangin, dapat isipin mo rin na hindi siya laging mangyayari everytime na makakabalik ka," payong kaibigan ni Kean. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hi my name is.. Paolo/Drei. #LastFoolShow 👋 N2/Star Cinema

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

 

Matapos tapusin ang kanyang rehab program noong nakaraang taon, naging sunud-sunod ang mga proyekto ni JM sa showbiz. November 2018 nang ipinalabas sa mga sinehan ang pinagbidahang pelikula ni JM na Kung Paano Siya Nawala ka-tambal si Rhian Ramos. Sinimulan na rin ni JM ang isa pang proyekto na kasama naman si Arci Munoz. 

READ: EXCLUSIVE: Director Joel Ruiz admits he cast JM De Guzman while the actor was still in rehab

READ: JM de Guzman, Arci Muñoz in Boracay to shoot their new movie

Sa parehong episode ng morning talk show, sinabi ni JM na isa si Kean sa mga tunay na kaibigang nakilala niya sa industriya ng showbiz. 

"Pag nagkikita kami ni Kean, iba ‘yung energy, maingay kami ‘pag nagkikita kami. Kasi naging totoo kami sa isa't-isa eh. Alam namin ‘yung baho (ng) isa't-isa, muntik pa nga kami mag-away dati. (Pero) ganun yung tunay na magkaibigan eh, transparent. So ngayon mas tumibay yung friendship namin.” 

"Pag nakahanap ka ng isang mabuting kaibigan na totoo, na solid, ‘wag mo nang pakawalan. Yun ang isa kong natutunan, at isa dun si Kean," sabi ni JM sa mga momshie-hosts.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang naiyak ang dalawa matapos magbigay ng mensahe ni Kean para kay JM.

"Pag kaibigan mo, kaibigan mo kahit ano pa yan, kahit ano pang ugali niya, ano pang pagdaanan niyan. Araw-araw nagbabago ang isang tao. Kahit nga asawa mo nagbabago yan every single day, ano pa ba yung kaibigan mo? Kaya ang gagawin mo lang talaga, mahalin yung tao na yon sa kahit ano pa mang paraan.” 

"Natutuwa lang din ako na may matindi akong nahanap na friendship sa industry na ‘to kay JM," sabi ni Kean. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pakners. ✌🏻 @1migueldeguzman

A post shared by Kean Cipriano (@kean) on

 

Unang nagkasama sa isang proyekto si Kean at JM sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank. Dito na rin daw nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Naghahanda ngayon si JM para sa kaniyang pinakaunang major concert na pinamagatang Love Goes On na gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 1. 

READ:JM De Guzman, to hold his first major concert