• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin on Loisa Andalio: ‘Parang mas maganda naman siya kaysa sa'kin’

Angel Locsin on Loisa Andalio: ‘Parang mas maganda naman siya kaysa sa'kin’

Inamin din ni Angel Locsin hindi siya kumportable sa bagong title na 'Action Drama Queen.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/16/2019 11:08 AM
Angel Locsin on Loisa Andalio: ‘Parang mas maganda naman siya kaysa sa'kin’


Photo credit: @iamandalioloisa on IG (L)

Sa pagbabalik teleserye ng Kapamilya star na si Angel Locsin, excited niyang ipinakilala ang mga bigating artista na makakasama niya sa proyektong The General's Daughter sa naganap press conference kahapon, January 15.

Unang beses na makakatrabaho ni Angel Locsin ang karamihan sa mga cast members ng bagong proyekto. Isa na doon ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Loisa Andalio, na ayon sa ilang fans ay may pagkakahawig kay Angel Locsin noon.

"Very excited ako na makatrabaho siya kasi minsan nakikita ko yung post ng mga fans na nagsasabi na medyo may hawig (siya sa akin) nung nagsisimula (ako). So tinitigan ko si Loisa sabi ko, ‘Parang mas maganda naman siya kaysa sa’kin,'" sabi ni Angel habang pinakikilala si Loisa sa press.

Dagdag pa niya, bilib siya sa pinapakitang husay at pagiging professional ni Loisa. "Sa age niya, yung pagiging professional niya at yung husay niya, nakaka-impress talaga," ani Angel.

 

Para naman kay Loisa, matagal na niyang iniidolo si Angel simula pa noong bumida ito sa Mulawin taong 2004. "Dati ko pa po talaga siyang pinapanuod, Mulawin pa lang po talaga. Kaya sobrang happy ko po talagang napasama po ako dito," kuwento ni Loisa.

Gaganap si Loisa bilang kapatid ni JC De Vera na isa sa mga makakatambal ni Angel Locsin sa nasabing teleserye.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If you’re a bird, I’m a bird...

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

Samantala, sa parehong press conference, inamin din ni Angel na hindi siya komportable sa bago title na “Action-Drama Queen.”

"Medyo naninibago po ako honestly, kasi parang nasanay naman po ako nang walang title. Kahit yung mga tawag nila sa akin na 'Queen' mga ganun. Ayoko po kasi talaga, ayoko nang may ganun ganung title.

"Hindi ko po alam, pero maraming maraming salamat po sa inyo kung tingin niyo ay pasok po ako sa ganoong genre. Pero, hindi lang po talaga ako comfortable sa mga titles. Kung ano na lang po maisip niyo, kayo na lang po bahala," pag-amin ni Angel. 

 

Magsisimulang mapanuod ang The General's Daughter sa Lunes, January 21 pagkatapos ng FPJ's Ang Probinsyano.