• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘You’ stars na sina Penn Badgley at Shay Mitchell nasa bansa ngayon

‘You’ stars na sina Penn Badgley at Shay Mitchell nasa bansa ngayon

Shay Mitchell ng hit TV series na ‘You’, second cousin si Lea Salonga

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/15/2019 10:14 AM
‘You’ stars na sina Penn Badgley at Shay Mitchell nasa bansa ngayon


Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, diumano bago pa ang interview sa lead cast ng hit TV series na You na sina Penn Badgley at Shay Mitchell ay kumain na sila ng halo-halo. Unang beses ni Penn sa bansa habang pangatlong beses na pagbisita na ito ni Shay na isang Filipina-Canadian actress-model. 

Nasa bansa ang dalawa para i-promote ang TV series.

READ: ‘You’ cast Shay Mitchell and Penn Badgley are coming to Manila

Ayon kay Penn, hindi siya mahilig sa matatamis na pagkain pero, “I would love to spend like weeks here and try the savory dishes too. I’m not really like a really sweet person so I would love to try like the pork…”

Rebelasyon naman ni Shay, pinsan niya ang Pinoy pride at internationally-acclaimed singer na si Lea Salonga, “Yes. She’s my second cousin and I cannot sing, no.”

Isang psychopath stalker-killer ang character ni Penn sa You at best friend naman ng bidang babae si Shay. Unang tumatak si Penn sa TV series na Gossip Girl habang si Shay naman ay isa sa lead cast ng Pretty Little Liars

Isa na ngayong global phenomenon ang You pero pag-amin ni Penn, “When I read the script, I was quite troubled. I had a lot of reservations, which is appropriate.”

Nang tanungin ni MJ kung ano ang huling bagay na gagawin nila bago umalis ng bansa, sinabi ni Penn na, “Get a massage. I’ve heard there’s a great spa,” habang si Shay naman ay, “Probably eat pancit…”