• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon and Elisse Joson are ‘ex-lovers’ but not friends

McCoy De Leon and Elisse Joson are ‘ex-lovers’ but not friends

McCoy De Leon at Elisse Joson, inamin na hindi sila magkaibigan ngayon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/15/2019 10:08 AM
McCoy De Leon and Elisse Joson are ‘ex-lovers’ but not friends


Sa Tonight with Boy Abunda, itinanong kung hindi na “lovers,” magkaibigan na lang ba ngayon sina Elisse Joson at McCoy De Leon? Sinagot ito nina Elise at McCoy ng diretsahan nang tanungin sila ng host at King of Talk na si Boy Abunda. 

Ayon kay Elise “ex-lovers” sila ni McCoy. Sa tanong naman kung magkaibigan pa sila at nag-uusap pa, inamin ni McCoy na, “Sa mga ganito lang, sa mga interviews, sa mga work…” Ayon naman kay Elisse, “hindi po, in time…”

Pero aminado naman ang dalawa na umaasa sila na mababalik ang friendship nila kung ‘di man ang relasyon nila. Ani Elisse, “Siyempre po, kasi ang ganda ng samahan namin e. He’s someone na hindi ko na makakalimutan so sayang yung pinagsamahan from before kung hindi na maibabalik.” Ayon naman kay McCoy, “May pinagsamahan kami e. Naging importante siya sa buhay ko. Parang ang sakit naman sa feeling nang matapos yung trabaho namin na hindi kami okay.” 

Sa Truth or Dare segment ng programa, inamin naman ni Elisse na pinaka-kinilig siya kay McCoy noong nasa loob sila ng bahay ni Kuya. “It was Valentine’s day. He surprised me with the simplest thing.” Ito daw yung gumawa si McCoy ng bulaklak gawa sa hanger at tissue.

Mukhang nabuking naman si McCoy sa kanyang rebelasyon nang sabihin niya na ang pinakamasayang memory niya kay Elisse ay “nung nag-Bali kami.” Sinundan ito ni McCoy ng, “Patay ako sa magulang ko neto…”

Kuwento ni McCoy, “Bakasyon ng family ko Hong Kong. After nun pumunta akong Bali isang  araw lang yun e tapos kinagabihan flight na rin pauwi. Gusto ko lang siyang makasama ng isang buong araw…”

Dumagdag naman si Elisse sa kuwento ni McCoy at sinabing hindi sila “mag-on” nung mangyari yun at nung time na yun ay sinusubukan daw nilang maging magkaibigan. 

Naniniwala din daw sina McCoy at Elisse sa second chances pero hindi pa ngayon.  Sa mga previous interviews ng dalawa, laging nababanggit ang pamilya nila na parang may kinalaman ito sa kanilang paghihiwalay.

Sa interview nila with the King of Talk, sinabi din ni McCoy na malungkot siya at isa sa mga dahilan yung naabot nila ang pangarap nila nang hindi na sila okay ni Elisse. Dagdag pa niya, “Ang dami naming nabanggang tao, kasama na dun yung family namin. Naging masaya kami na kami lang, naging selfish kami na kami lang…” 

READ: McCoy De Leon to Elisse Joson: 'Miss na miss na kita'