• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit nagtrabaho bilang caregiver noon si PBB Teen Kaori Oinuma?

Bakit nagtrabaho bilang caregiver noon si PBB Teen Kaori Oinuma?

Personal na desisyon daw ni Kaori ang magtrabaho bilang caregiver noon sa Japan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/15/2019 7:54 PM
Bakit nagtrabaho bilang caregiver noon si PBB Teen Kaori Oinuma?


Photo credit: @kaori_oinuma (L) @pbbabscbntv (R) on IG

 

Unang beses na ikinuwento ng Pinoy Big Brother Otso teen finalist na si Kaori Oinuma sa publiko ang tungkol sa pagta-trabaho niya bilang caregiver noon sa Japan. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, January 14, bumilib ang mga hosts ng programa kay Kaori nang ikwento ng 18-year old PBB housemate ang dahilan ng pagta-trabaho noon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🍓💕

A post shared by Kaori Oinuma (@kaori_oinuma) on

 

"Nung 16 years old po ako, summer vacation lang po namin. So nasa isip ko, parang sayang naman po yung oras ko kung tatambay lang ako sa bahay namin," pahayag ni Kaori na tumanggap ng pagkamangha mula sa kina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada. 

Dagdag ni Kaori, naging inspirasyon din niya ang kanyang mga lolo at lola, matapos masubukang mag-alaga ng mga mgatatanda. "Natutunan ko po doon yung halaga ng lolo lola ko. Iniisip ko po noon, siguro na kapag tumanda pa yung mga lolo lola ko, kelangan ko rin silang alagaan, kelangan ko rin po silang alagaan, katulad din po ng pag-aalalaga ko rin sa pagta-trabaho ko noon sa caregiver," ani Kaori.

Ipinanganak si Kaori sa Japan pero lumaki at nagsimulang mag-aral dito sa Pilipinas. Nang tumuntong ng 13 years old, bumalik siya kasama ang OFW niyang ina sa Japan at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Kasama ng kanyang ina, ibinahagi ni Kaori na 17 years old na siya nang unang makilala ang kanyang Japanese father. "Nung una natatakot po ako kasi baka po meron pa sa kanya na hindi ako tanggapin. Pero nung nakilala ko naman po siya, mabait naman po siya. Parang nabuo na po yung pagkatao ko nun, kasi nakilala ko na po siya," sabi ni Kaori. 

Isa si Kaori sa mga tinanghal na BIG 4 ng Teen Batch 1 sa Pinoy Big Brother Otso.