• Home
  • Fresh Scoops
  • SexBomb Che-Che nagkaroon ng “something” noon kay Coco Martin

SexBomb Che-Che nagkaroon ng “something” noon kay Coco Martin

Vice Ganda tinawag na ‘Probinsyana’ si Sexbomb Che-Che matapos ma-reveal na na-link ito dati kay Coco Martin.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/14/2019 8:29 AM
SexBomb Che-Che nagkaroon ng “something” noon kay Coco Martin


Sa Gandang Gabi Vice, natanong ni Vice Ganda ang kanyang guests na sina SexBomb Girls Louise, Jacky, Johlan, Sandy, Che-Che, Mia at Sunshine kung saan nanggaling ang pangalan nilang SexBomb Girls.

“Galing kasi yun kay Tito Joey (De Leon), kasi tumugtog yung “Sex Bomb” by Tom Jones then nung narinig na ni Tito Joey yun, yun na ang tinawag sa SexBomb Girls,” ani Cheche.

LOOK: Sexbomb girls reunite

Dati pa daw ang pangalan nila ayon kay Mia ay, “Chicken-Tuna Sandwich.” 

Inalala din ng grupo ang long-running and defunct drama series nila na Daisy Siete kung saan rebelasyon ni Vice Ganda na naging guest si Coco Martin. Love team diumano ni Sunshine at Rochelle noon si Coco.

LOOK: Check out this ultimate throwback photo of Coco Martin

Pinaamin naman ni Vice Ganda kung kanino noon na-link at nagkaroon ng “something” si Coco. Noong una ayaw aminin ng SexBomb Girls kung sino nga ba ang naging malapit sa kanila kay Coco.

“Si Sandy?! Alam mo pwede kasi mahilig talaga si Coco sa maputi at makinis, kaya nga hindi niya ako gusto ever since eh,” pagbibiro pa ng TV host.  

Pero umamin din ang SexBomb at sinabing si Che-Che pala ang naging malapit noon kay Coco. “‘di sana Cheche Martin ka ngayon…” comment ni Vice.  

“Mabait lang po talaga si Coco,” kwento naman ni Che-Che.  

Patuloy pang pagbibiro ng Unkabogable star, “Danda ha! Ikaw pala ang matagal na hinahanap namin na Probinsyana!”