• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros defends Lie Reposposa against bashers: “Wala kayong mapapala”

Melai Cantiveros defends Lie Reposposa against bashers: “Wala kayong mapapala”

Nag-iwan din ng mensahe si Lie Reposposa para sa kanyang mga bashers.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/14/2019 12:21 PM
Melai Cantiveros defends Lie Reposposa against bashers: “Wala kayong mapapala”


Photo credit: @mrandmrsfrancisco on IG (R)

Pinasaya ng Pinoy Big Brother Otso Teen finalist na si Lie Reposposa ang episode ng Magandang Buhay ngayon, January 14. Nanatiling positibo ang dalaga sa kabila ng mga panghuhusga sa kanya bilang "over-reacting" habang nasa Bahay ni Kuya. Paliwanag ni Lie, totoong pagkatao niya ‘yun at hindi niya pinepeke. "Ganun lang po talaga ako mag react. Kasi nga po first time nga lang po talaga. Kaya okay lang talaga," pahayag niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

bagay na caption dtu is “Sa mga Mata ni Angelita nga giMatagTiki “ #hahahahhaha thanks @piafish 📷

A post shared by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on

 

Agad na nagbigay ng kanyang depensa ang momshie-host na si Melai Cantiveros na isa rin sa mga ikinukumpara kay Lie. "Kaya wala kayong mapapala talaga (mga bashers), bash kayo ng bash, eh wala namang pakialam si Lie. Sorry na lang kayo," sabi ni Melai.

Nag-iwan pa ng kanyang mensahe si Lie sa mga humuhusga sa kanya, "Okay lang po sakin talaga, kasi mas lalo akong sisikat ‘pag marami akong bashers.

"Sa mga bashers, love you. Kahit ganyan kayo, mahal ko pa rin kayo, pero mas mahal ko mga supporters ko," pahabol ng PBB Teen BIG 4 finalist.

Unang nakilala si Lie matapos mag trending ang kanyang audition sa Tawag Ng Tanghalan sa It's Showtime noong October 2018. Kamakailan din ay sinagot ni Lie ang isyu ng panggagaya sa estilo ng pagpapatawa nina Maymay Entrata at Melai. 

READ: TNT contender Angelie Reposposa gets a chance to audition for PBB

READ: Lie Reposposa reacts on being compared to Maymay Entrata and Melai Cantiveros

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wala gyud ko nag dahom na daghan diay kaayo ang nag suporta saakua..thank you ❤

A post shared by Lie Repososa (@angeliereposposa_) on

 

Sa parehong episode, kasama ang pinsan ni Lie na si “Tita Lenny” na nagkwento ng mahirap na buhay ng dalaga sa kanilang probinsya sa Tangub. Ayon sa pinsan, tanging pangangalakal lang ang pinagkakakitaan ng mga magulang ni Lie. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Daghang salamat po ulit mga maam sir with my tita lenny reposposa

A post shared by Lie Repososa (@angeliereposposa_) on

 

Inamin ng dating TNT contender na ngayo'y PBB Teen BIG 4 finalist na minsan ay napapabayaan niya ang pag-aaral para makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagkanta.

"Yung buhay namin doon (sa Tangub) is simple lang po talaga, hindi po kami mayaman. Minsan umaabsent ako sa school kasi gusto ko po talagang makatulong sa pamilya ko po. Kasi matanda na po yung papa ko, tapos yung mama ko nandun lang sa bahay.” 

"Kahit na gusto kong mag-aral pero priority ko po kasi yung pamilya ko kaya inaabsent-an ko muna," sabi ni Lie. 

Isa kina Lie, Kaori, Karina at Jelay ang magiging Teen Big Winner ng Batch 1 ng Pinoy Big Brother Otso.