• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariella Arida nagbigay reaksyon sa pag-alis umano ng Miss Universe franchise sa Binibining Pilipinas

Ariella Arida nagbigay reaksyon sa pag-alis umano ng Miss Universe franchise sa Binibining Pilipinas

Hanggang ngayon ay di pa din malinaw kung nasa Binibining Pilipinas na o sa grupo na ng LCS na pag-aari ni Chavit Singson ang Miss Universe franchise.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/14/2019 5:00 PM
Ariella Arida nagbigay reaksyon sa pag-alis umano ng Miss Universe franchise sa Binibining Pilipinas


Photo credit: @araarida/ @catriona_gray on IG

Kasunod ng tila pagkumpirma ni former Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson na mapupunta na sa LCS Group ang Miss Universe Philippines franchise, hindi naman naiwasan na mahingan ng reaksyon ang isa sa mga produkto ng Miss Universe Philippines sa ilalim ng Binibining Pilipinas na si Ariella Arida.

READ: Chavit Singson says he already acquired Miss Universe PH franchise

“Actually yung haka-haka pa lang, for them parang siyempre Binibining Pilipinas has been there ever since kumbaga tradisyon, ‘yung legacy,” ani Miss Universe 2013 Third Runner-up Ariella Arida sa Umagang Kay Ganda nitong lunes.

“Ako ang masasabi ko parang daig ko pa ang nakipag-break sa aking boyfriend na ten years ko nang kasama,” tugon pa niya.

READ: Stella Marquez-Araneta, nagsalita na sa isyu ng paglipat ng franchise ng Miss Universe Philippines

Aniya, malaking pagbabago ang mangyayari sa pageant world kung sakali na matutuloy ito na mapunta na nga sa LCS Group ang Miss Universe Franchise.

“I guess for this one, since bago po siya para siyang Miss World Philippines before, nagkaroon siya ng sarili niyang pageant So this one unless, si Miss Universe Philippines may binili siyang ibang titles, mapapasama na sa ibang titles ang Miss Universe Philippines,” patuloy niyang kuwento.

“Pero until now, the other pageants naman are still with Binibining Pilipinas, like last year may six titles so siguro ngayon, five titles nalang ang paglalabanan,” paliwanag pa ni Ariella.

At bilang former Miss Universe Philippines, nakikita niya din itong magbubukas ng pagkakataon para sa mga nagnanais na koronahan at maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

“Ang nakakatawa nga sa mga nababasa ko, pwedeng maging all-star, kasi ‘yung mga nanalong Binibining Pilipinas noon na hindi nanalo ng Miss Universe title pwede na silang sumali sa Miss Universe Philippines... So abangan natin, for sure malapit na ‘yan,” pahayag pa niya.