• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez, inaming nagtatanong si Sarah Geronimo sa kanya tungkol sa kasal

Regine Velasquez, inaming nagtatanong si Sarah Geronimo sa kanya tungkol sa kasal

Regine Velasquez says she shares her married life experiences with Sarah Geronimo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/13/2019 11:49 AM
Regine Velasquez, inaming nagtatanong si Sarah Geronimo sa kanya tungkol sa kasal


Photo credits: @justsarahgph IG (right)

Umuugong muli ang balitang engaged na si Sarah Geronimo sa kanyang longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli at sinagot naman ito ni Regine Velasquez na isa naman sa malalapit na kaibigan ni Sarah.

“Wala lang niloloko ko lang kasi kinikilig ako sa kanila, eh si mother (Divine) nandun sa harap ko, tawa lang siya nang tawa," ani Regine nang makapanayam siya ng ABS-CBN News.

"Hindi ko alam, wala namang sinasabi. If that were true, I would have known. She’d tell me. She’d ask me first. Kasi ganun yun eh," dagdag pa niya.

Sinabi rin ng Asia’s Songbird na nagtatanong ang Popstar Royalty sa kanya tungkol sa kasal.

"We talk about it, I tell her... [na] she is at the right age naman na, marrying age na siya... Siyempre inexperienced siya, andami niyang tinatanong sa akin about getting married, being in a relationship," ani Regine.

May limang taon na ring magkarelasyon sina Sarah at Matteo.