Lauren Dyogi, patuloy ang pag gabay sa Star Dreamers

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/12/2019 11:37 AM
Lauren Dyogi, patuloy ang pag gabay sa Star Dreamers


Kasamang humarap sa showbiz media ang latest batch ng Star Dreamers si Direk Lauren Dyogi na masasabing nag-discover sa bawat isa sa kanila.

Dito, sinabi ni Direk Lauren na panibagong mga pagsubok at paghasa ng talento ang haharapin ng Star Dreamers.

“Lagi naman may surprise sa PBB so we don’t really tell them na tapos na. And we announce right now the commitment is to give them workshops to determine kung sino sa kanila may determination, may puso sa pag-aartista at sa larangan ng showbiz,” sabi pa ni Direk Lauren.

Inamin pa ni Direk Lauren na major adjustment pa ang pagdadaanan ng Star Dreamers na kalalabas lang sa outside world.

“What you see now, they’re raw. Hindi pa marunong masyado sumagot ng ano yan eh. You have to guide them pa pero in the coming months as we give them workshops… And as I have spoken to them, medyo disoriented pa mga yan,” kuwento pa ng Direktor.

Patuloy ang suporta sa mga kabataan para mahasa sa larangan ng showbiz na gusto nilang pasukin.

“We’re still going to help them get adjusted. You know how crazy showbiz is. They need also to prepare, to make them what they want to get into,” pahayag pa niya.

Ilan na sa Star Dreamers ang kasalukuyan na nag go-go see na para sa ilang posibleng future projects ng ABS-CBN.