• Home
  • Fresh Scoops
  • Gian Wang at Missy Quino, nag-aminan ng feelings para sa isa’t isa

Gian Wang at Missy Quino, nag-aminan ng feelings para sa isa’t isa

Former Star Dreamer Gian Wang, inamin na may feelings para kay ex-PBB Otso teen housemate Missy Quino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/12/2019 11:16 AM
Gian Wang at Missy Quino, nag-aminan ng feelings para sa isa’t isa


Sa Tonight with Boy Abunda, naikuwento na sa Cebu pa lang sina former Star Dreamer Gian Wang at Pinoy Big Brother Otso ex-teen housemate Missy Quino ay nagkita na mga ito dahil sa magkapareho sila ng school.

Nang magkakilala sila sa bahay ni Kuya, nalaman ni Gian na totoo nga ang mga sinasabi ng kakilala niya tungkol kay Missy, na si Missy ay, “kind, she was generous, sobrang soft-hearted, sobrang pure…”

Si Missy naman sinabing nakilala niya si Gian bilang, “sobrang bait po, sobrang caring po na tao as in…”

Hindi rin kinaila ni Gian na may feelings siya para kay Missy. Anya nang tanungin siya, “yes, po.” 

Flattered naman si Missy sa pag-amin ni Gian at sabi niya sa binata, “I want to say thank you because dun po sa camp magkasama kami 24/7 dun. We see each other’s imperfections but despite that he admired me in that way so thank you so much.” 

Dagdag pa ni Missy, “There’s really no need for us to rush things talaga. It will come in the right time…”

Ganunpaman, naging honest din si Missy nang tanungin ni Boy kung may pag-asa ba si Gian sa puso niya. Sagot ng dalaga, “Oo po…”

Pangako ni Gian kay Missy, “No matter where life takes you, you’ll always have someone behind you other than your family…”

Pangako naman ni Missy kay Gian, “I’ll always be here for you and I will constantly remind you of the people who love you talaga so you won’t lose yourself…”

Parehong 17 years old sina Gian at Miss na tinawag na ngayon bilang tambalang “MissWa.”

Nag-voluntary exit si Missy kung kaya hindi siya nakasali sa Big Four. Pagpapaliwanag ni Missy tungkol dito, “I thought that they were more deserving at that time po. Para po sa akin marami po silang pinagdaanan…” Hindi din daw niya alam during that time na may fans siya na sumusuporta sa kanya. 

READ: Missy Quino, ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang voluntary exit sa ‘PBB’ house