Vice Ganda, may balak bang tumakbo sa pagka-presidente?

Vice Ganda revealss there are political parties inviting him to run for senator.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/11/2019 10:24 AM
Vice Ganda, may balak bang tumakbo sa pagka-presidente?


Habang naghu-host sa segment na Miss Q&A ng It’s Showtime ay napag-usapan nina Vice Ganda at Jhong Hilario ang buhay politika. Nagsimula ito nang maalala ni Vice na isa nga rin palang konsehal si Jhong ng Makati City.

Pagbibiro ni Vice kay Jhong, “Parang timang ‘to, biglang nagiging serious. Si Jhong naguguluhan na talaga siya kung anong imahe niya aktor siya, komedyante siya, dancer siya tapos mare-realize niya, ‘ay teka lang, politiko pala ako.’”

Sinabi din ni Vice na kakandidato siyang presidente.

“Kakandidato talaga akong presidente ng Pilipinas, promise. Dalawang eleksyon pa, kakandidato ako—presidente talaga agad.” 

“‘Pag nanalo ako, isa lang ibig sabihin nu’n — sira-ulo talaga kayong lahat! Wala talagang kakuwenta-kuwenta ang mga bumuboto sa Pilipinas. ‘Pag nanalo pa naman ako talaga…” pagbibiro ni Vice.

Ikinuwento na rin ng komedyante na may mga political parties nang lumapit sa kanya at inalok siyang tumakbo bilang senador ng bansa ngunit tinanggihan niya ito.

“Maraming kumukuha nga sa akin, e. May kumuha sa aking partido [para] sa senador. ‘Sira-ulo ba kayo?’ Sabi, ‘Mananalo ka.’ ‘O, ngayon, ‘pag mananalo, tatakbo?’” ani Vice.

“Sabi ko, ‘Buong buhay ko tumatakbo na ako, pagod na pagod na ako ‘no.’ Itigil na natin, ngayon na nga lang ako nagpapahinga,” dagdag pa niya kung saan inaasar din niya ang sarili niyang ‘kabayo.’

Watch: Vice Ganda, planong tumakbo bilang presidente ng bansa