James Reid at Alessandra De Rossi, magkakaroon ng pelikula

Alessandra De Rossi, naging inspirasyon si James Reid sa paggawa ng isang movie project.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/11/2019 11:06 AM
James Reid at Alessandra De Rossi, magkakaroon ng pelikula


Sa ulat ng TV Patrol, parehong excited sina Alessandra “Alex” De Rossi at James Reid para sa nalalapit nilang projects.

Co-producer na si Alex ng Viva Entertainment kung saan din siya direktor at aktres. At sa sunod niyang pelikula ay naging inspirasyon niya diumano at makakatambal si James.

READ: James Reid at Nadine Lustre, kailan nga ba magsasamang muli sa isang proyekto?

Tungkol daw ang pelikula sa dalawang mismatched characters. Ani Alex, “Mismatch, yung hindi kayo bagay pero yung character ng guy sobrang hindi pa siya nasasaktan masyado sa love, naniniwala siya sa romantic gestures. Tapos yung girl ‘pag romantic yung ginagawa nandidiri siya.”

Excited din si James para sa upcoming concert niya kasama sina Billy Crawford at Sam Concepcion. Ani James, “this is going to be big. I’m nervous. I’m performing with two of my idols, it’s crazy.”

Kinakabahan man si James, confident naman si Billy sa kakayahan ni James, “His creativity, his vocal skills and his passion…”