• Home
  • Fresh Scoops
  • Seth Fedelin at Aljon Mendoza, kapwa gusto maka love-team si Karina Bautista

Seth Fedelin at Aljon Mendoza, kapwa gusto maka love-team si Karina Bautista

Tila maagang nabubuo ang love team sa mga bagong housemate ni Kuya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/10/2019 2:17 PM
Seth Fedelin at Aljon Mendoza, kapwa gusto maka love-team si Karina Bautista


Isa isang ipinakilala sa entertainment press ang teen Star Dreamers mula sa “Star Hunt” at ang housemates at Big Four ng “Pinoy Big Brother: Otso” na tinutukan sa ABS-CBN.

At ngayong nasa outside world na sila, isa isang sinagot ng Ilan sa mga ito ang mga naging issue sa kanila habang nasa loob sila ng Camp Star Hunt at bahay ni Kuya.

Una na dito si Seth Fedelin na ibinunyag na ang gusto niyang maka-love team ay si Karina Baustista dahil malalim na kanilang pinagsamahan.

“‘Yung gusto ko po … ang gusto ko po kasi po, malalim na ang pinagsamahan namin, gusto ko po si Karina po,” ani Seth.

Isa din sa naging malapit kay Karina ay si Aljon Mendoza, na gusto din makatrabaho ang dalaga.

“Kung gusto niya po maging ka love team si Karina ok lang naman po eh. Ako rin po gusto ko rin maka love team si Karina. Siyempre let’s respect each others opinion,” ani naman ni Aljon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Camp Starhunt and PBB: Otso housemates, masayang sinagot ang tanong ng press sa Star Hunt Grand Media Conference.

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Masaya naman ang naging reaksyon ni Karina sa dalawa at sinabing kumportable siya sa samahan nilang tatlo.

“Grabe po, siyempre po sobrang saya na ganun po ang gusto nila and hindi ko po inaasahan na sasabihin nila ‘yun. Inaasahan ko lang po na makasama ko po sila, siguro na din po dahil sa naging friendship namin kaya po kumportable po kami sa isa’t isa,” pahayag ni Karina.

Hindi pa tapos ang stint ni Karina kasama pa ang ibang Big Four na sina Kaori Oinuma, Angelie Reposposa at Jelay Andres sa PBB samantalang sasalang na sa iba’t ibang workshops sina Seth at Aljon.