• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez, naging emosyonal nang napag-usapan ang pagiging ina

Mariel Rodriguez, naging emosyonal nang napag-usapan ang pagiging ina

Maraming netizen din ang natuwa at bumilib sa pagiging ina ni Mariel Rodriguez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/10/2019 11:52 AM
Mariel Rodriguez, naging emosyonal nang napag-usapan ang pagiging ina


Photo credit: @marieltpadilla on IG

Hindi na napigilan ng It's Showtime host na si Mariel Rodriguez-Padilla ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging ina. Sa episode ng noontime show noong January 8, inihalintulad ni Vice Ganda ang isang Tawag Ng Tanghalan contestant kay Mariel, bilang ina na sabik laging makasama ang mga anak.

"Gano'n na talaga Meme (Vice) pag meron ng baby. Kaya gets na gets (ko si Tawag Ng Tanghalan contestant)," sagot ni Mariel.

 

Patunay ni Vice, laging nagmamadaling umuwi si Mariel pagkatapos ng It's Showtime para sa anak at sa asawang si Robin Padilla. “Pagkatapos na pagkatapos ng It's Showtime, bura agad ng makeup ‘yan (Mariel Rodriguez), ta’s takbo na siya pauwi. Hindi mo na siya maaaya. Time niya na ‘yun para sa kanyang mag-ama,” kuwento ni Vice.

Maya maya'y hindi na napigilan ni Mariel maiyak nang balikan ni Vice Ganda ang mga pinagdaanan niya noon. 

Dagdag ni Mariel, nagiging mapili siya sa pagtanggap ng trabaho dahil ayaw niyang mabawasan ang oras para sa pamilya. "Kapag may ibang trabaho, kailangan sasabihin ko (sa sarili ko) kung 'Is it really necessary? Is it worth it? Kasi it is time away from my baby. 

"Kasi araw-araw tayo nagta-trabaho, kailangan din naman na meron tayong family time. Lalo na lumalaki sila. Hindi na mauulit," paliwanag ni Mariel.

Sa comment section ng YouTube video ng naturang episode, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang bilib sa aktres at host bilang ina. "Back then when Mariel lost her babies due to circumstances, I know somewhere she had lost her hope for having one but God is really good and I can tell she is really a good mother and will do anything just to keep her daughter in a good place," ayon sa comment ng isa.

 

 

Matapos ang dalawang miscarriages, nanatiling positibo si Mariel Rodriguez at ang asawa niyang si Robin Padilla, na ngayon ay may two-year-old daughter na si Isabella. 

LOOK: Mariel and Robin Padilla's daughter Isabella celebrates 2nd birthday with a Disney-themed party

LOOK: These happy photos of baby Maria Isabella Padilla will make you smile