• Home
  • Fresh Scoops
  • Roderick Paulate at pamilya ipinagluluksa ang pagpanaw ng kapatid ngayong bagong taon

Roderick Paulate at pamilya ipinagluluksa ang pagpanaw ng kapatid ngayong bagong taon

Malungkot ang pagpasok ng bagong taon para sa pamilya ng aktor na si Roderick Paulate.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/1/2019 11:37 AM
Roderick Paulate at pamilya ipinagluluksa ang pagpanaw ng kapatid ngayong bagong taon


Photo credit: @roderickpaulate IG

Kasabay ng pagdiriwang ng pagsalubong sa bagong taon, nagluluksa ang actor-politician na si Roderick Paulate at ang kanyang pamilya sa pagpanaw ng kanilang kapatid na si Amelia Paulate Angeles.

Sa kanyang social media post, inilabas ni Kuya Dick anv kanyang kalungkutan at ipinagpasa-Diyos na lamang ang biglaang pamamaalam ng kanyang Ate Amelia.

Narito ang full status ni Roderick : 

"Paalam kapatid ko ... Amelia Paulate-Angeles.

Ginulat mo naman kami. Pero sige kahit masakit pahinga ka na.

Ika mo nga,”ah ewan!” 

Honestly, di ko maintindihan ang bilis... pero I just have to trust the Lord and accept His divine plan and purpose. I still praise and honor Him. Musta na lang kay Papang, Mamang, Kuya, at Fred.

God bless your soul, Mel. Rest in Peace.

Mahal kita."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#siblings ❤️❤️❤️

A post shared by Roderick Paulate (@roderickpaulate) on

Mapapanood si Roderick sa Kapamilya hit show na FPJ's Ang Probinsyano