• Home
  • Fresh Scoops
  • Did Maine Mendoza and Arjo Atayde hold hands in this viral video?

Did Maine Mendoza and Arjo Atayde hold hands in this viral video?

Blurry man ang video, may mga nagsasabing naghawak ng kamay sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kumakalat na video.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/1/2019 10:48 AM
Did Maine Mendoza and Arjo Atayde hold hands in this viral video?


Photos credit to the owner

Habang patuloy ang intriga na nagkakamabutihan na ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde at Maine Mendoza, isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan magkasama sila at tila naghawak ng kamay. Sa Instagram post ng isang netizen na may username na "mainearj" last December 29, makikita ang isang malabong video na kuha ng isang fan na sumusunod sa dalawa. Sa pagsakay ng elevator, tila saglit na naghawak ng kamay sina Arjo at Maine. 

Ang nakuhang video ay mula sa block screening ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles na kung saan ay kasama sina Maine at Arjo sa mga cast. 

Maaalalang huling nagsalita si Maine Mendoza sa isyu noong sa press conference ng nabanggit na pelikula. Pag-amin ni Maine, 'getting to know' niyang maituturing ang estado nila ni Arjo. 

READ: Maine Mendoza at Arjo Atayde, ‘getting to know each other’ na ngayon

Sa ngayon, maraming fans pa rin ang nagbibigay ng kanilang pagtutol sa 'hinalang' relasyon ni Maine at Arjo. Karamihan sa mga ito ay mga fans ng tambalang Maine Mendoza at Alden Richards.

Sa kabila ng pangbabash, nanatiling tikom ang magkabilang kampo sa isyu.

READ: Arjo Atayde still mum on rumored relationship with Maine Mendoza