• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga lands on three spots in Youtube's PH trending videos

Alex Gonzaga lands on three spots in Youtube's PH trending videos

It's a "Happy 2018" for celebrity and vlogger Alex Gonzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/1/2019 11:07 AM
Alex Gonzaga lands on three spots in Youtube's PH trending videos


Photos credit: @cathygonzaga IG

Bago natapos ang 2018, may mga pahabol na trending videos si Alex Gonzaga para sa kanyang mga fans. Tatlong Youtube videos na featured ang aktres, ang nakakuha ng mga spots sa Youtube PH Trending noong December 31.

Nanguna sa nasabing listahan ang kanyang Condo Tour vlog kay Mary Marry Me lead actor, Sam Milby. 

Matapos mapansin ng isang netizen ang pagkakuha ng tatlong spot ni Alex Gonzaga, agad itong ni-retweet ng aktres nang may caption na, "Oo nga no? Hehe Yahooo!!! Happy 2018!!!"

Isa sa mga trending videos din ni Alex ngayong taon ang music video niya ng Chambe, isang kantang ginawa niya para sa pamangkin na si Seve. May 9.7 million views na ang video since na upload ito one month ago.

Busy sa promotions si Alex ng pelikulang Mary, Marry Me, na mapapanuod pa rin sa mga sinehan ngayon. 

READ: REVIEW: 5 Reasons why you should watch ‘Mary, Marry Me’